PATAY ang isang suspek sa pagpatay sa isang NBI agent, apat taon na ang nakararaan, habang naaresto ang isa pa sa San Mateo, Rizal kamakalawa.
Kinilala ang napatay na suspek na si Wilson Ortega, 39, habang naaresto ang kasama niyang si Raymund Camero sa kanilang safehouse sa Montery Hills, Subd., Brgy. Silangan.
Sina Ortega at Camero ay kasama sa anim suspek na kinasuhan ng murder sa pagpatay kay Atty. Leandro Yanguas, NBI supervising agent, sa Soliven Avenue, Brgy. Mayamot, Antipolo noong Mayo 12, 2012.
Habang target ng mga awtoridad ang apat pang mga suspek na sina Ariel Abuera, Wilfredo G. Balbin, Miguel Ranomero, at Bal Makimot.
( ED MORENO )