KINOMPIRMA ni PNP AKG Director, Senior Supt. Manolo Ozaeta, may isang pulis na aktibo sa serbisyo, ang sangkot sa kidnapping for ransom na kanilang bi-nabantayan sa ngayon.
Sinabi ni Ozaeta, ang nasabing pulis ay miyembro ng sindikato sa likod ng anim kaso ng kidnapping na naitala sa Binondo, Maynila.
Ayon sa kanya, nakalalaya pa ang pulis ngunit binabantayan na ng kanilang mga tauhan.
Aniya, nangangalap na sila nang sapat na ebidensiya upang masampahan ang suspek ng kaso.
Samantala, kinompirma ni Ozaeta, ang anim kaso ng kidnapping na naitala sa Binondo ay lahat nakapagbayad ng ransom.
Ito ay mula sa halagang lima hanggang sa P20 milyon.
Pagbubunyag pa ni Ozaeta, ginagamit ng sindikato ang anti-drug campaign ng pamahalaan upang takutin ang kanilang mga biktima.
2 GRUPO TARGET SA BINONDO
KIDNAPPING — PNP-AKG
DALAWANG grupo ang binabantayan n ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) na sinasabing nasa likod ng magkakasunod na insidente ng kidnapping for ransom sa Binondo, Maynila.
Ayon kay PNP AKG director, Senior Supt. Manolo Ozaeta, nasa pito hangang 10 indibidwal ang miyembro ng grupo at dalawa sa kanila ay tukoy na ang pagkakilanlan.
Pahayag ni Ozaeta, inaasahan nila ang pagtaas ng kidnapping for ransom cases dahil sa paglipat dito ng mga drug lord sa harap nang mas pinaigting na kampanya ng gobyerno kontra droga.