Saturday , November 16 2024

6 drug suspect patay, 3 kritikal sa vigilante

ANIM hinihinalang sangkot sa droga ang patay habang tatlo ang kritikal makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong 1:00 am kahapon, nasa loob ng kanyang bahay sa115 Bouganivillea St., Brgy. 166 si Joel Torcelino, 36, nang biglang pasukin ng tatlong armadong lalaki at siya ay pinagbabaril na kanyang ikinamatay.

Dakong 7:30 am, pinagbabaril ng riding-in-tandem suspects ang mga naglalaro ng cara y cruz sa Phase 4B, Package 8, Brgy. 176, Bagong Silang na nagresulta sa pagkamatay nina Edward Asne, 18; Julius Parolan, 19, at Bely Joe Batingal, 20-anyos.

Inoobserbahan sa FEU hospital si Benencio Francisco, 45, habang sina Boby Sarmiento, 25, at Ernesto Asne, 30, ay ginagamot sa East Avenue Hospital.

Sa Brgy. 168, Deparo, naglalakad si Sonny Gallegas, 34, sa Natividad Village dakong 5:50 pm nang pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo na kanyang ikinamatay.

Nauna rito, 5:15 pm nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa loob ng kanyang bahay si Gerald Magat, 27, ng Block 11, Lot 36, Brgy. 185, Malaria na kanyang ikinamatay.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Placente

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *