Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Launching movie ni Nathalie Hart bagsak sa takilya, malaking malas sa movie outfit ni Baby Go sinisi (Nagpakita ng hiwa at lahat-lahat…)

SINO kaya ang malaking malas sa production ni Madam Baby Go ng BG Int’l Productions at halos lahat ng pelikulang ipinoprodyus niya ay inaalat sa takilya?!

Ang chakang si Dennis Evangelista ba na over-all publicist ni Madam Baby? Business ma-nager din siya ng favorite actor na si Allen Dizon, at sinasabing may balat sa puwet at malaking ‘jinx’ sa kanyang movie outfit?

Sa aming palagay ay si Dennis nga ang ba-ding na kamukhang-kamukha ni Chuckie Doll ang dahilan kaya’t flopsina sila. Tulad ng latest movie offering nilang “Siphayo” na nagpakita na nga’t lahat-lahat ng hiwa ang bida sa film na si Nathalie Hart na ham umarte pero itinanghal na Best Actress ekek boom!

Hayun bagsak o super flop sa takilya ang launching movie at first and last day raw sa ibang sinehan.

Premyado at award winning pa naman ang director na si Joel Lamangan pero ‘di pinanood at sinuportahan ang kanyang proyekto.

Kasi naman bukod sa pangit ay napakaitim pa ng budhi at insekuradang tunay ang ipinagmamalaki nilang bayot na Dennis.

Well isaksak niya sa baga niya si Madam Go sabay tika sa pagiging harangera niya. Sana ay huwag nang madamay sa kamalasan niya ang soon to be shown na movie naman Ai Ai delas Alas, na positive ang reviews.

Dapat na siyang itapon sa dagat-dagatang apoy gyud!

THE UNMARRIED WIFE NG STAR CINEMA

SURE HIT NA SA TAKILYA, KITA NG ONE

MORE TRY PUWEDENG MAHIGITAN PA

Taon 2012 nang ipalabas sa mga sinehan ang “One More Try” na unang pinagtambalan nina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban sa Star Cinema kasama ang co-lead star na si Angel Locsin at Zanjoe Marudo at kumita ito nang mahigit P300 milyon noon sa takilya.

Ngayon sa latest movie ng dalawa na “The Unmarried Wife” kasama si Paulo Avelino, bukod sa palaban ang mga eksena ni Angelica ay ipinakita ng Kapamilya actress ang umaapaw na acting niya pagdating sa drama scenes na sa sobrang husay ay tinawag pa siyang bagong “Drama Queen” ng director nilang si Maryo J. Delos Reyes.

Ipinakita rin ni Dingdong sa pelikulang ito ang galing bilang dramatic actor. Umani ang Kapuso actor, ng maraming tropeo bilang pinakamahusay na actor dahil sa mga film niya sa Star Cinema.

Markado ang unang pagganap ni Paulo Avelino sa ilalim ng Star Cinema, matapos niyang pahangain ang mga Pinoy sa buong mundo sa kanyang mahusay na pagganap sa Emmy nominated primetime series ng Star Creatives na “Bridges of Love” kasama sina Angel Locsin, Maja Salvador at Jericho Rosales.

Para naman kay Direk Maryo, ang comeback project na ito, ang pinakahihintay niya sa Star Cinema mula nang kanyang idinirek ang romantic drama na I’ll Be There noong 2010.

Ito rin ang kolaborasyon sa pagitan nina Direk Maryo at ng screenwriter na si Vanessa, tiyak na magbibigay ang The Unmarried Wife, ng emotionally charged cinematic experience para sa lahat ng mga manonood.

Dito sa obra niya (Direk Maryo) ay umiikot ang istorya kay Anne (Panganiban), isang babae na may malalang inhibitions sa pag-ibig dahil sa traumatic childhood experience.

Nawala ang kanyang pag-aalinlangan sa pag-ibig nang matagpuan niya ang kanyang great love sa katauhan ni Geoff (Dantes). Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang mala-rosas nilang relasyon sa kanyang asawa dahil sa pangangaliwa ni Geoff.

Habang nagdurusa siya, upang ipaglaban ang kanyang pamilya, susubukang hilumin ng kaibigang si Bryan (Avelino) ang mga sugat ng kanyang puso at ipinangako na kanyang ibibigay ang pag-ibig na nararapat para kay Anne.

Kakaibang pelikula ito na puno ng malulutong, maaanghang, at highly relatable na mga dialogue na bibitawan ng mga recognizable characters na ginagampanan nina Dingdong, Paulo, at Angelica.

Nangangahas ang The Unmarried Wife, na magbato ng mga katanungan na mag-uudyok sa mga manonood na pag-isipan ang kanilang desisyon sa kanilang lovelife at buhay. At kung pagbabasehan ang trailer na umani na ng milyong views ay puwedeng higitan ng The Unmarried Wife ang P300 milyon box office record ng One More Try.

Mapapanood na ito sa maraming sinehan sa buong bansa simula Nobyembre 16.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …