Friday , August 15 2025

5 holdaper utas sa parak

PATAY ang limang hinihinalang drug user at holdaper nang lumaban sa mga pulis makaraan holdapin at i-gapos ang isang babae, sa inilatag na dragnet operation ng mga awtoridad sa Jala-jala, Rizal kahapon ng umaga.

Ayon kay Chief Inspector Joseph D. Macatangay, chief of police ng Jala-Jala PNP, dakong 6:30 am nang holdapin ng mga suspek ang biktimang si Flora Oruga, 49, ng Upper Sambungan, Brgy. Bagumbong, iginapos at piniringan saka kinulimbat ang kanyang laptop, alahas at pera.

Pagkaraan, tumakas ang mga suspek sakay ng puting Toyota Vios (AAJ-8436) at isang Mio motorsiklo na kulay pula at itim patungo sa kabayanan.

Ngunit agad nakahingi ng saklolo sa himpilan ng pulisya ang biktima at sa tulong ng barangay chairman ay inilatag ang “dragnet operation” na nagresulta sa pagkakahuli sa limang suspek ngunit nakatakas ang dalawa nilang kasama na lulan ng motorsiklo.

Gayonman, habang lulan ang mga suspek ng mobile car, sinasabing inagaw ng isa sa kanila ang Glock 9mm ni PO2 James Cuenco at itinutok sa mga pulis ngunit hindi pumutok.

Bunsod nito, pinaputukan ni PO1 Rowel Sabangan ang mga biktima na kanilang ikinamatay.

( ED MORENO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *