Monday , December 23 2024

2 binatilyo, 4 pa tiklo sa drug raid (P1-M shabu nakompiska)

GENERAL SANTOS CITY – Mahigit isang milyong pisong halaga ng shabu ang nakompiska sa buy bust operation kahapon ng madaling-araw sa Prk 13B, Brgy. Fatima sa lungsod.

Sa impormasyon mula kay Senior Insp. Oliver Pauya ng City Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (CAIDSOTG), anim suspek ang nahuli, kabilang ang dalawang menor-de-edad, pawang mga residente sa nasabing lugar.

Habang dalawang suspek ang Nakatakas mula sa mga awtoridad.

Narekober sa kanilang pag-iingat ang mahigit 120 grams ng shabu na may estimated market value na P1,080,000.

Bukod dito, narekober din ang dalawang motorsiklo na pinaniniwalaang ginagamit ng mga suspek sa kanilang ilegal na aktibidad.

About hataw tabloid

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *