Saturday , November 16 2024

5 katao todas sa maskarado (Drug den sa Mandaluyong sinalakay)

110216_front
LIMA katao ang patay, kabilang ang isang babae, nang ratratin ng anim armadong lalaki at tinangay ang P200,000 cash ng isa sa mga biktima sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga napatay na hinihinalang may kinalaman sa droga, na sina Manuel Evangelista, 37; Jennifer Discargar, 31; John Paolo Toboro, 24; Edmar Velarde at Catalino Algueles.

Napag-alaman, dakong 9:35 pm nang pasukin ng hindi nakilalang mga armado ang bahay ni Roger Evangelista, kapatid ng isa sa biktima, pinalabas ang anak, saka pinagbabaril ang lima, sa Blk 37, EXRT Lot-01, Addition Hills sa lungsod.

Ayon sa anak ni Roger, habang nagsasagawa ng pot session ang mga biktima, pumasok ang mga suspek saka sila pinagbabaril.

Nakuha sa lugar ng krimen ng mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) ang ilang shabu paraphernalia, ilang sachet ng shabu at P2,000.0.

Samantala, ayon sa ina ng biktimang si Jennifer, na si Cecilia Discargar, may P200,000 cash na hawak ang anak na pinagbentahan ng bahay nila.

Inamin ng ina ni Jennifer na drug user ang anak at gumagamit din ng droga ang kapatid.

Teorya ng pulisya, isang drug den ang bahay ni Roger Evangelista.

ni ED MORENO

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *