Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

We just had fun — Shaina sa intimate dance nila ni Piolo

MAY entry sa C1 Originals si Shaina Magdayao mula sa direksiyon ni Keith Deligero, ang Lily.

Ano ang kuwento ni Lily? “It’s an urban legend story sa Cebu, kumbaga sa Manila lumaki tayong naniniwala sa Manananggal, apparently may ganoon din sa Cebu, which is Lily and siya ‘yung ginagamit na panakot sa mga bata na dapat umuwi ng maaga kundi papatayin sila ni Lily.

“When they offered this project to me, nagsimula ito sa producer ko sa ‘Single-Single’ (napapanood sa Cinema One) na si Bianca Balbuena and she’s a good friend of direk Keith Deligero.

“First time kong gumawa ng hard core independent film, and natatakot ako kasi ang kinalakihan ko ay mainstream, sabi ko, if gagawin ko ito, it’s going to be a risk kasi unang-una huhubaran ka, it’s going to be out of your comfort zone.

“Tapos all film is in Bisaya (language), so lahat ng katrabaho ko (Bisaya).  Alam n’yo naman po na galing kami sa Cebu, si daddy (Ike Magdayao) is from Cebu, lumaki akong nakaiintindi ng bisaya, pero hindi nakapagsasalita ng Cebuano.

“So malaking challenge po na tinanggap ko itong film dahil walang dubbing, so live sound. Binigyan naman nila ako ng speech coach at talagang inaral ko, pero ang hirap pala ng nagme-memorize ka ng sasabihin mo tapos iisipin mo rin kung ano ‘yung iaarte mo, but of course I wanted to do this kasi malapit sa puso ko ang pagiging Cebuana and I wanted to make my dad proud.

“Si daddy for the first time, dumalaw sa set namin kasi pagod na siyang dumalaw-dalaw kay ate Vina (simula noong nag-artista), but this time, we shot the whole movie in Cebu also, so three weeks kaming nandoon at tuwang-tuwa si daddy na puro Cebuano ang kasama ko at narinig niya akong magsalita ng Bisaya, maski gamay lang.

“Masaya ako na nakatulong ako sa film na ito para sa Bisayan Industry na nagulat ako kasi malaki na pala ang film industry in Cebu. And they’re holding ‘Binisaya Film Festival’ there and people all over the world are going to watch the films. Isa sa founder ng ‘Binisaya Film Festival’ is my direktor, Keith Deligero.”

Nitong nakaraang araw pagkatapos ng Star Magic Ball ay may na-post na sumasayaw sina Piolo Pascual at Shaina na masyadong intimate kaya naging viral na naman ito.

Bale ba, ipinost ito ni Piolo, pero tinanggal din kaagad.

Ang paliwanag ng aktres, “you all saw the coverage of the Ball. Everyone had fun. And I think ‘yun naman ang reason why we had the Ball, so that we could all have fun.

“Sa sobrang busy namin lahat, it’s so nice to see our bosses and co-artists namin. It’s so nice to see everyone, once a year lang siya nangyayari. Why not had fun, ‘di ba? As long as it’s clean fun, it should be okay.

“And I had fun with everyone. Not guys lang, ha. I had fun with all my friends in the business. Napakarami naman ng kasama ko that night.”

Anyway, kasama ni Shaina sa Lily sina Rocky Salumbides at Natileigh Sitoy.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …