Friday , November 15 2024
the who

Militant lider makabayan daw? wehhhh?

THE WHO ang isang militant leader na panay ang putak sa kalye dahil sa pagiging makabayad ehek makabayan daw pero parang lihis naman yata sa kanyang prinsipyo’t paninindigan ang itinuturo sa kanyang anak?

Ayon sa ating Hunyango, itago na lang natin sa pangalang Ar-Ar si leader dahil para raw siyang kakahol-kahol na aso ‘pag nasa kalsada kasama ang kanyang mga nauto ‘este mga kapanalig.

Ano kayang klaseng aso siya?

Kuwento sa atin, nito lamang daw nakaraang araw ay may nag-interview sa kanyang mamamahayag patungkol sa isyu ng kanilang pakikibaka laban sa mga Markano, ay mali, Amerikano pala, na panay ang pakikialam sa ating bansa.

Kasama ni Ar-Ar ang kanyang anak noong araw na iyon at natagalan nang kaunti ang interview ni reporter dahil nasamahan pa ng ilang kuwentohan ang pangyayaring iyon.

Ang siste, nainip na si junakis dahil sa tagal ni Ar-Ar, umalis kung kaya’t lumapit na ‘yong bata sa kanya sabay sabi ba naman, “Can we go home now Dad?”

Hanu?!

Bigla raw natisod si reporter sa narinig niya e!

Wahahahahahahahaha!

Akalain mo, spokening dollar pala ‘yong anak ni leader samantala kapag nai-iinterview siya sa telebisyon akala mo makata kung makapagsalita.

Ngak!

Mabuti na lang ako, ‘di marunong mag-English…

French lang,

French fries!

Wala namang masama sa salitang English. Natural lang naman na matuto ang ating mga anak ng banyagang wikang iyan. Ang kaso si Ar-Ar galit na  galit sa US. ‘Yun pala ang gamit nilang mag-ama na lenguwahe ay Ingles!

Anak ng Kurimaw!

Nasaan naman ang pagiging makabayan diyan?

Ang dami kong kilalang mga English writer na ang gagaling magsulat sa English pero kapag kausap sila, wikang Filipino ang ginagamit nila.

‘Ika nga sabi ni Gat Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda.”

O baka naman sabihin n’yo nagkataon lang iyon?

Heto ha, dahil sa nangyaring iyon hinanap ni reporter ang account ni Ar-Ar sa social media and you know what?! Ano ba ‘yan pati ako napag-English na rin!

Alam n’yo ba kung anong natuklasan ni reporter?

English ang usapan nilang mag-ama kahit sa social media!

Hek hek hek hek hek hek!

Heto pa napansin din ni reporter habang kinakapanayam niya si Ar-Ar, ang suot niyang damit at sapatos, made in USA!

‘Nang ko po!

Para kang makapili noong panahon ng mga Hapones! Suot bayong para ‘di makilala!

Ang ibig sabihin ba niyan inuunggoy mo ang taongbayan at ang mga miyembro ninyo, Boss?!

Ano sa tingin n’yo mga kalugar?

Bye bye, ehek, paalam!

THE WHO? SCANDAL
ni Jethro Sinocruz

About Jethro Sinocruz

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *