Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Cultural commissions pambayad utang lang ba talaga!?

UNA nating narinig ito noong maging maingay ang pagtatalaga kay singer/composer Freddie “Kaka” Aguilar sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) bilang chairman.

Gusto kasi ni Kaka na bumuo si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ng department of culture and arts na kanyang pamumunuan.

At sa pamamagitan daw nito, magsusulong siya ng “cultural revolution.”

Wattafak!?

E wala pa ngang department of culture and arts kaya ang inialok kay Ka Freddie ‘yung chairmanship ng NCCA.

Ang siste, hindi naman pala itinatalaga ng Office of the President ang NCCA chairmanship.

Ito ay inihahalal ng 15-member Board of Commissioners mula rin sa iba’t ibang cultural commissions gaya ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Historical Commission of the Philippines, Cultural Center of the Philippines (CCP), at National Library.

‘Yan ang rason kung kaya’t naunsiyami ang pagkakatalaga kay Kaka bilang chairman ng NCCA.

In short, hindi siya qualified.

Nang maglabas si Pangulong Duterte ng Memorandum Circular No. 04, isa si National Artist Virgilio Almario na nanunungkulang chairman ng KWF sa mga naghain ng courtesy resignation.

Nagbibitiw siya bilang chairman KWF at hindi commissioner.

Ang balita, mukhang tinanggap ng Palasyo ang resignasyon ni Ka Rio Alma.

Ayon sa ilang kahuntahan natin na mga taga-Malacañang, kinausap na si Commissioner Almario na tatanggapin ang kanyang resignasyon.

Ang ipapalit umano ay walang iba kundi si Ka Freddie.

102516-freddie-aguilar-almario-ncca-kwf

Pero inirerekomenda ng Pambansang Alagad ng Sining na si Rio Alma ang isa pang mahusay na Commissioner ng KWF, si Dr. Purificacion Delima (hindi po kamag-anak ni Leila De Lima).

Si Dr. Delima ay isa sa ating mga pinagpipitaganang linguist mula sa UP Baguio.

Hindi natin minamaliit si Kakang Freddie.

Aba, hindi rin biro ang mga karanasan at achievements ni Kaka sa musika bago marating ang kanyang kinalalagyan ngayon.

Pero ang punto lang natin, nauukol ba o hindi sa kanya ang nasabing posisyon!?

Masasabi nating mga Dalubwika ang nasa KWF. Hindi tumitigil sa pananaliksik, pag-aaral at patuloy na nagtuturo para iangat ang ating wikang Filipino.

Sabi nga sa mga biruan ngayon, “Freddie, mag-aral kang mabuti…”

Sa ganang atin, kung talagang bibigyan ng puwesto ni Pangulong Digong si Kaka, dapat ay ‘yung ‘karugtong  ng bituka’ ng mga banda o entertainers na kasabayan niya noong 1970s sa Gapo, sa Japan, Singapore, Hong Kong, China at sa iba pang bansa.

Sila ‘yung mga banda na nag-akyat nang nag-akyat ng dolyares sa ating bansa pero nang humina na ang industriya at bumalik na sila sa bansa, gutom ang inabot nila dahil walang naihandang programa sa kanila ang pamahalaan.

Alam na alam ni Kaka ang kondisyon ng mga bandang ‘yan.

Kaya sana, matumbok niya kung anong kaukulang ahensiya ng pamahalaan siya makapaglilingkod sa mga kapwa niya musikero.

Paano mabibigyan ng trabaho ‘yung mga nandito sa bansa at kung paano sila mailalahok sa mga programang nagbibigay ng benepisyo para sa mga retiradong overseas Filipino workers (OFWs).

Kaka, ‘wag ‘yang KWF o NCCA ang pagnasaan mo. Sasakit ang ulo mo riyan at baka maging kaawa-awa o maging katatawanan ka kapag tinanggap mo ang puwestong ‘yan.

Be wise, Kaka!

2 HIV CARRIER
NAKADETINE SA PDEA

102516-pdea-prison

Dalawang HIV carrier ang hindi nagagamot nang tama dahil kasalukuyang nakadetine sa isang maliit na detention cell para sa mga drug offender sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang dalawang HIV carrier ay parehong gay o bading.

Sa kasalukuyan, mayroon umanong skin infection ang dalawa.

Alam natin na ‘yung HIV ay nahahawa thru sexual act, intravenous at sa pamamagitan ng dugo.

Pero ‘yung sugat nila ngayon na tila mayroon nang impeksiyon, ‘yun puwedeng makahawa ‘yun.

Nagtataka kasi tayo kung bakit sa PDEA ikinulong ang dalawang ‘yan.

Hindi ba’t dapat ay ipadala sila sa San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz o kaya ay sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa sila dalhin?!

Paging PDEA at DOH!

MABILIS NA AKSIYON NG 911

102516-911

Nagpapasalamat ang isang pamilyang natulungan ng 911 sa Tondo, Maynila.

Nagkaroon ng emergency ang nasabing pamilya kaya tumawag sila sa 911.

Aba, sa loob ng 10 minuto, dumating ang ambulansiya mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pamumuno ni Senior Fire Officer 3 (SFO3) Maria Jindra de Leon.

Si SFO3 De Leon ay hepe ng Emergency Medical Services (EMS) ng BFP Manila.

Dahil sa mabilis na responde ng 911 at EMS-BFP Manila nadala agad sa ospital ang pasyente.

Kudos SFO3 Jindra de Leon! Kudos 911!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *