Sunday , December 22 2024

60 pulis nasa hot water sa violent dispersal

UMAABOT sa 60 pulis ang isinasailalim sa imbestigasyon kaugnay sa marahas na dispresal sa rally ng mga militante at katutubo sa harap ng US Embassy nitong Miyerkoles.

Ito ang inihayag ni NCRPO Director Oscar Albayalde sa kanyang pagbisita sa Manila Police District kahapon.

Aniya, 10 opisyal ng MPD ang sinibak sa puwesto habang 50 ang nasa restrictive custody.

Tiniyak niyang buo ang suporta nila sa MPD at ang nasaktang mga pulis ay pagkakalooban ng medical assistance.

Nakahanda rin aniya silang magkaloob ng legal assistance kung kinakailangan.

Aniya, ano man ang nangyari sa protesta sa harap ng US Embassy ay inaako nila ang responsibilidad.

Gayonman, sakali aniyang may mga pagkakamali, hindi nila ito kukonsintihin ngunit para sa mga gumanap sa kanilang tungkulin, sila ay bibigyan  ng kaukulang pagkilala.

Kompiyansa si Albayalde na sa huli, katotohanan ang mananaig.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *