Saturday , November 16 2024

Lawin tinatayang magiging supertyphoon (NDRRMC todo-handa sa pagpasok ni Lawin)

PINAGHAHANDA ang lahat sa pagpasok ng bagong bagyo na tatawaging “Lawin” dahil mas malakas ito kompara sa bagyong Karen.

Inaasahang magiging supertyphoon ang naturang bagyo na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) dakong hapon nitong Lunes kung hindi magbabago ang direksyon at bilis nito.

Base sa weather update ng Pagasa, namataan ang sama ng panahon sa 1,265 kilometro sa silangan ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na hanggang 185 kilometro kada oras.

Patuloy ang pagtahak nito sa direksyong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 22 kilometro kada oras.

NDRRMC TODO-HANDA
SA PAGPASOK NI LAWIN

HINDI pa man natatapos ang assestment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pagtama ng bagyong Karen, todo na ang paghahanda ng ahensiya sa paparating na bagyong may international name na Haima o tatawaging bagyong Lawin pagpasok sa teritoryo ng Filipinas.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mina Marasigan, kahapon o ngayong araw ay magsasagawa sila ng pre-disaster risk assestment meeting para sa papasok na bagyo.

Sinabi ni Marasigan, posibleng tamaan ulit ng bagong bagyo ang mga probinsiya sa northern Luzon na tinamaan ng bagyong Karen.

Dahil dito, kailangan nilang abisohan ang local government units (LGUs) sa naturang mga probinsiya para maiwasan ang ano mang trahedya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *