Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Korupsiyon at red tape winalis ni Mayor Edwin Olivarez sa Parañaque

EXCELLENT o katumbas na 92.7 percent ang ibinigay na grado ng Civil Service Commission (CSC) sa city government ng Parañaque City na pinamumunuan ni Mayor Edwin Olivarez kaugnay ng isinusulong na anti-red tape and anti-corruption campaign.

Consistent ang Parañaque City sa ganitong ratings dahil kahit ang Bantay.ph, isang independent anti-corruption watchdog ay binigyan ng gradong 90.73 percent ang lungsod noong nakaraang taon.

Kahit saang tanggapan ng LGU magpunta sa Parañaque hindi kailangan maghintay at pumila nang matagal. Hindi kailangan magpabalik-balik para sa mga transaksiyon.

Hindi masasayang ang oras ninyo at lalong hindi kayo makikikilan ng mga fixer dahil wala na sila.

Ayon kay CSC Director IV Judith Chicano, batay sa report card survey na isinagawa noong July 25 to 27, 2016, nakakuha ang CSC ng 92.70 o katumbas ng excellent.

Sinuri ng CSC ang pagtupad ng lungsod sa Anti-Red tape Act provisions at ang overall satisfaction ng mga kliyente upang makuha ang feedback kung paanong tinutupad ng service office ang nasabing provisions.

Ganoon din ang hidden costs na nagagamit ng kliyente sa frontline services; at kung paano bibigyan ng grado ang service office performance at satisfaction ng kliyente.

081916 Parañaque oliveroz

Nakakuha rin ng score na 100 percent ang lungsod sa “no lunch break” policy at matapat na pagsunod sa regulasyon sa oras ng trabaho (walong oras sa loob ng limang araw sa isang linggo) ng local government officials at mga empleyado.

Gradong 92.28 percent ang nakuha ng Parañaque dahil wala silang nakabinbing administrative cases kahit saang hukuman sa loob ng dalawang taon.

Sa kanilang napakahusay na anti-fixer campaign, nakakuha ang Parañaque ng 97.71 percent. Sa client satisfaction category ay 94.40 percent, 95.69 percent sa basic services, 95.42 sa physical set-up at 94.87 sa frontline service provider.

Ganyan kagaling ang Parañaque City. Sa katunayan agad din binigyan ng komendasyon ni Mayor Olivarez ang kanyang mga opisyal at empleyado.

Seryoso at determinado, malaking bagay sa pamumuno ng isang gaya ni Mayor Olivarez na magkaroon ng isang pangulo na gaya ni Digong Duterte dahil mahigpit ang kanyang anti-red tape at anti-corruption drive.

Ang hindi lang natin maintindihan kung bakit hindi kayang magpatupad ng kabiserang lungsod — ang Maynila — nang ganito kabilis na serbisyo.

Business permit lang at Mayor’s permit lang ‘e aabutin ng kung ilang buwan at kung ano-ano pang imbentong violations ang ibubutas.

Sana lang ‘e mabusisi ng mga matitinong tao ni Pangulong Duterte ang hindi pa rin nagbabagong red-tape at fixing activities sa Maynila.

Congratulations, Mayor Edwin Olivarez!

PEDICAB, KULIGLIG, TRIKE
BAWAL NA NGAYON SA MAYNILA

101716-etrike

NGAYONG araw ay tuluyan na raw ipagbabawal ang mga pedicab, kuliglig at trike sa Maynila.

Papalitan daw ito ng e-Trike. Kaya lahat ng mga naghahanapbuhay gamit ang nasabing tatlong sasakyan ay bibigyan daw ng pagkakataon na makakuha o umutang ng e-Trike.

Swak agad!

Mukhang nakaamoy tayo na “for income generating project” ng kung sino mang ‘henyong’ nakaisip na imungkahi ‘yan kay Erap.

Para raw maging malinis at maayos ang Maynila, kailangan tanggalin na ‘yang mga pedicab, kuliglig at tricycle…

Ang kalesa kaya? Ipatatanggal din?

Gusto pala nang maayos at malinis na Maynila, e bakit ‘yung napakabahong illegal terminal sa Lawton hindi maipatanggal?!

Unahin kaya ninyo ang paligid ng city hall na hindi maintindihan kung ano ang itsura.

Sa toto lang ha, kapag nagpunta kayo riyan sa city hall, nakapapagal. Samot-samot ang mga nakaharang sa bangketa.

Kaya ang pedestrian at motorista ay nag-aagaw sa kalsada.

Ay sus!

Linisin ninyo ang paligid ng Manila city hall!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *