Friday , December 27 2024

Presidential task force against media killings binuhay ni Pang. Duterte

SA pamamagitan ng Administrative Order 1 ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, muling binuhay ang Presidential Task Force vs Media Killings.

This time, Duterte version.

Ayon kay PCO chief, Secretary Martin Andanar, “The President signed the Administrative Order 1, creating the presidential task force on violations of the right to life, liberty, and security of the members of the media.”

Well said Mr. President.

Ganito rin ang layunin ng pagkakabuo ng Task Force Usig noong administrasyong Arroyo.

Nagkataon na tayo ang presidente ng National Press Club (NPC) noon.

Gaya nang dati, tungkulin ng task force na imbestigahan ang mga paglabag sa “right to life, liberty, and security of the members of the press.”

Pamumunuan ang task force ng Secretary of Justice bilang chairman at Presidential Communications Office Secretary bilang co-chairman.

Miyembro ng task force ang Interior Secretary, National Defense Secretary, Solicitor General, executive director ng presidential human rights committee, chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines, director general ng Philippine National Police, at director ng National Bureau of Investigation.

Magiging resource persons sa task force ang iba’t ibang media groups.

Magkakaroon din ng special oversight team na magmo-monitor sa development ng mga kaso laban sa mga kagawad ng media na nakararanas ng pagbabanta sa buhay o ano mang uri ng harrassment.

Bubuuin ang special oversight team ng mga imbestigador at mga prosecutor, bukod sa monitoring, oobligahin din ang special oversight team na regular na mag-report at magsumite ng rekomendasyon sa task force.

Sa unang 30 araw ng task force, magsasagawa ng imbentaryo ng mga kaso ng violence against media workers, kagagawan man ito ng state o non-state forces.

Kung saka-sakali, ang magiging pagkakaiba nito ay implementation.

Maraming media task force na ang nagdaan pero hindi naging deterrent sa mga kriminal na nauupahan ng mga utak ng pamamaslang.

Hanggang ngayon, wala pang naipakukulong na pumaslang at nagpapaslang sa mga mamamahayag.

Sa pagbubuo ng Task Force na ito, nakita natin kung gaano kalambot ang puso ng Pangulo…

Ibang klase nga lang siyang magsalita, pero hindi kayang tawaran ang pagmamahal niya sa bayan.

Umaasa tayo na mayroong pagkakaiba sa dating administrasyon ang bagong Task Force sa administrasyong Duterte.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *