Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PNP awardee, 1 pang police official nadakip sa hot pursuit (Sa pamamaslang sa chairwoman ng Citizen Crime Watch (CCW)

HINDI natin makita ang lohika sa kasong ito.

Nadakip ang mga suspek na pareho pang police official at awardee pa ‘yung isa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung ano ang motibo sa pamamaslang!?

Sinampahan ng kasong murder ang mga suspek na sina Insp. Markson Almerañez, chief of police ng bayan ng Socorro; at S/Insp. Magdaleno Pimentel ng 1st Maneuver Platoon ng Provincial Police Safety Commander (PPSC).

Si Almerañez, ay isa sa mga binigyan ng award ni PNP chief, DG Ronaldo “Bato” dela Rosa kamakailan.

Nitong nakaraang Oktubre 10, dakong 11:40 bago maghatinggabi ay tinambangan ang chairwoman ng Citizen Crime Watch (CCW) na si Zenaida Montejo Luz, 51 anyos, sa Barangay Maligaya, Gloria, Oriental Mindoro.

Tinadtad ng bala ang babae hanggang mamatay.

Grabe ang operasyon ng dalawang police official. Riding in tandem sila at ginawa ang lahat para baguhin ang kanilang hitsura.

Walang plaka ang ginamit nilang motorsiklong Enduro. Nagsuot ng mahabang wig ang isa sa mga suspek para umano magmukhang babae at naka-bonet naman ang isa.

101516-police-ccw-zenaida-montejo-luz

Pero nagkaroon ng hot pursuit at nakipagpalitan ng putok ang mga suspek laban sa mga nagrespondeng Gloria police.

Sa madaling sabi, sugatan ang dalawang suspek kaya nadakip ng mga nagrespondeng pulis.

Nakakulong na sila ngayon at ‘yun nga, kinasuhan na ng murder sa Pinamalayan Prosecutor’s Office.

Ang nagsampa ng kaso ay sina C/Insp. Ruel Lito Fronda, chief of police ng Gloria PNP.

Ayon mismo kay S/Supt. Chris Birung, blanko pa sila sa kaso.

At ‘yun ang ipinagtataka natin, paano nasampahan ng kasong murder kung hindi alam ang motibo?!

Wattafak!?

Paanong magpo-prosper ang kaso kung hindi man lang naimbestigahan ang dalawang suspek?!

Hindi man lang ba nakausap ng mga imbestigador ang  kaanak ng biktima? Ang mga kasama ng biktima sa CCW?

May nasagasaan ba ang biktima bilang CCW chairwoman at naging rason kung bakit sila tinambangan?

Pakiklaro nga maigi Kernel Birung at masyado tayong nahihiwagaan sa kasong ito.

Tsk tsk tsk…

PRESIDENTIAL TASK FORCE AGAINST
MEDIA KILLINGS BINUHAY NI PANG. DUTERTE

091216-duterte-andanar

SA pamamagitan ng Administrative Order 1 ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, muling binuhay ang Presidential Task Force vs Media Killings.

This time, Duterte version.

Ayon kay PCO chief, Secretary Martin Andanar, “The President signed the Administrative Order 1, creating the presidential task force on violations of the right to life, liberty, and security of the members of the media.”

Well said Mr. President.

Ganito rin ang layunin ng pagkakabuo ng Task Force Usig noong administrasyong Arroyo.

Nagkataon na tayo ang presidente ng National Press Club (NPC) noon.

Gaya nang dati, tungkulin ng task force na imbestigahan ang mga paglabag sa “right to life, liberty, and security of the members of the press.”

Pamumunuan ang task force ng Secretary of Justice bilang chairman at Presidential Communications Office Secretary bilang co-chairman.

Miyembro ng task force ang Interior Secretary, National Defense Secretary, Solicitor General, executive director ng presidential human rights committee, chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines, director general ng Philippine National Police, at director ng National Bureau of Investigation.

Magiging resource persons sa task force ang iba’t ibang media groups.

Magkakaroon din ng special oversight team na magmo-monitor sa development ng mga kaso laban sa mga kagawad ng media na nakararanas ng pagbabanta sa buhay o ano mang uri ng harrassment.

Bubuuin ang special oversight team ng mga imbestigador at mga prosecutor, bukod sa monitoring, oobligahin din ang special oversight team na regular na mag-report at magsumite ng rekomendasyon sa task force.

Sa unang 30 araw ng task force, magsasagawa ng imbentaryo ng mga kaso ng violence against media workers, kagagawan man ito ng state o non-state forces.

Kung saka-sakali, ang magiging pagkakaiba nito ay implementation.

Maraming media task force na ang nagdaan pero hindi naging deterrent sa mga kriminal na nauupahan ng mga utak ng pamamaslang.

Hanggang ngayon, wala pang naipakukulong na pumaslang at nagpapaslang sa mga mamamahayag.

Sa pagbubuo ng Task Force na ito, nakita natin kung gaano kalambot ang puso ng Pangulo…

Ibang klase nga lang siyang magsalita, pero hindi kayang tawaran ang pagmamahal niya sa bayan.

Umaasa tayo na mayroong pagkakaiba sa dating administrasyon ang bagong Task Force sa administrasyong Duterte.

‘Yun lang po.

MGA PULIS-MPD NA PITSA
ANG LAKAD SIBAKIN NA!

GOOD pm sir, dapat lang na kastiguhin na ni MPD director SSUPT. Jigz Coronel ang mga pulis na puro pitsa ang lakad.

Kaming ngpapakahirap mgtrabaho lalo n laban sa droga ay nagtitiis lang. Sana mailista rin ni Col. Pedrozo ang accomplishment namin at walang palakasan. I-monitor ni DD Coronel sina Tata Magbitang na hulidap at tanim-bato ang lakad sa Tondo. Sina  punyente papogi at bata-batutang sina Tata Bote at Boy Tong-its! Puro kayo kobransa sa punerarya, pweeeh!!! Nasan ba ang sinibak mong kupitan ng delihensya group at bagman nito?!

Nakalubog raw at hindi pumapasok sa Ermita si kupitan.

 – Loyal pulis ng MPD.
+639063877…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *