NASAGIP ang 2-anyos paslit sa pagkalunod nang bumara sa drainage pero bangkay na nang matagpuan ang kanyang kuya sa kasagsagan nang malakas na ulan at pagbaha kamakalawa ng gabi sa San Mateo, Rizal, habang isang bangkay ng babae ang natagpuan sa Champaca 2, Creekside, Brgy. Fortune, Marikina City kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat ni SPO1 Wilmer Privado ng San Mateo PNP, natagpuan ang bangkay ni Cedric Ortega, 7-anyos, dakong 9:17 pm sa sa Paraiso Memorial Garden sa Brgy. Gutinang Bayan at nasagip ang kanyang kapatid na si Nicolo makaraan silang tangayin ng baha mula sa kanilang bahay sa St. Lukes St., Brgy. Gulod Malaya, San Mateo.
Dakong 6:10 am kahapon nang matagpuan ang bangkay ng hindi nakilalang babae sa Champaca-2, Creekside, Brgy. Fortune, Marikina.
( ED MORENO )