Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Singer actress turned concert producer mas bilib sa bloggers (Ayaw gumastos sa kanyang presscon,)

POCKET interview lang ang madalas na ipa-tawag ng singer actress na may sariling hawak na title sa showbiz na ngayon ay nagko-contrate sa pagpo-produce ng mga concert ng mga kapwa local artist.

Pero kung may choice lang si singer hangga’t maaari ay ayaw na raw mag-imbita ng legit na entertainment writers and editors dahil mas gusto at mas bilib umano sa bloggers.

Kaya nga bloggers na lang ang pinapupunta sa kanyang ipatatawag na presscons.

Kasi nga naman puwedeng tee-y o walang honorarium ang bloggers at ‘yan ang type ni Diva, na matagal nang kilalang inuyat sa industriya.

Nahihiya tuloy ang kanyang publicist at hindi raw alam kung paano ipaliliwanag sa mga ka-close na reporter ang desisyon ng among concert produ.

Kilala ba ninyo kung sino ang kuripot na Diva?

Well you better ask her ex-hubby Martin Nie-vera. Ay give na give na ang kanyang identity gid!

Elmo at Janella balik-tambalan sa Holly and Mau sa…

WANSAPANATAYM PRESENTS NGAYONG OCTOBER 16 NA

After nang matagumpay na Tikboyong episode ni McCoy de Leon sa Wansapanataym Presents, ang ElNella loveteam naman nina Elmo Magalona at Janella Salvador na sinubaybayan ninyo sa Born For You ang bibida sa bagong handog na istorya ng fantasy-drama, comedy anthology ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na may titulong “Holly and Mau.”

Tampok rin sa episode si Carla Martinez na gaganap bilang strict na lola ni Elmo (Mau) grounded siya. Si Christian Vasquez naman ang father ni Janella (Mau). May nakatagong lihim sa pagkatao ni Janella pero gusto niyang maging normal ang kanyang buhay at makapag-aral sa regular school na mahigpit na tinututulan ni Christian. Magkaibigan ang character nina Elmo at Janella at magle-level up ito kaso habang papunta na roon ay may madidiskbure ang binata.

Maging hadlang kaya ito sa pag-ibig na nararamdaman niya sa kanyang friendship?

Abangan ang ElNella sa Holly and Mau, sa direksiyon ni Jojo Saguin ngayong Sunday pagkatapos ng Pinoy BoyBand Superstar sa Kapamilya network.

Graded A ng CEB at tumipak ng P10-M Sa First Day

ANGEL HANGA  SA MATINDING CHEMISTRY

NINA SAM AT ZANJOE SA “THE THIRD PARTY”

Sobrang dami ng fans, ang sumugod noong Martes sa Cinema 7 ng SM Megamall para manood ng red carpet premiere ng “The Third Party” at kanilang masilayan ang hinahangaang tatlong bida ng pelikula na sina Angel Locsin, Sam Milby at Zanjoe Marudo.

Base sa nakausap naming nakapanood ng film, walang eksena sa proyektong ito ni  Direk Jason Paul Laxamana ang hindi mae-enjoy ng moviegoers.

Kikiligin, maiiyak at matatawa lalo na sa eksena nina Zanjoe at Sam na bigay na bigay sa kanilang man-to-man relationship.

Tinanggap ni Angel, na ex ni Sam ang situwasyon kahit hindi girl ang ipinalit sa kanya dahil walang kasing bait at tinanggap siya sa tahanan nito.

Pumayag na tumira silang tatlo sa iisang bubong. Ito ang gustong mangyari ni Direk Jason na lumabas na LGBT movie ang kanyang bagong obra. Dahil sa maayos na pagkakalahad ng istorya at quality ay nabigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board. Sa first day ng showing nito ay tumipak ng P10 million sa box office.

Hangang-hanga pala si Angel sa matinding chemisty nina Sam at Zanjoe na pawang professional raw pagdating sa kanilang trabaho. Inilahad ito ng Kapamilya actress sa kanyang recent interview kay Kuya Boy sa “Tonight With Boy Abunda” sa Dos.

Mapapanood na ang The Third Party sa mga sinehan sa buong bansa at naka-schedule na rin ang international screening nito sa iba’t ibang bansa.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …