Monday , December 23 2024

Lawmaker law breaker?!

NOON pa man ay malaking kuwestiyon na kung paanong ang isang marketer’s association gaya ng Liquefied Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) ay pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) na noon ay pinamumunuan ni Sixtong ‘este Sixto Brillantes para maging isang party-list.

Kailan pa naging marginalized sector ang mga nagtitinda ng LPG na sandamakmak ang kinikita sa nasabing produktong petrolyo?!

Lalo na nang maaprubahan ang clean air act at nagoyong magpa-convert ang malalaking taxi company para gawing LPG ang kanilang fuel.

Sabi nila mas malinis at mas mura raw ito kaysa gasoline o diesel.

Pero maraming taxi driver ang nagkasakit, natuyot at namatay dahil LPG ang fuel ng taksing kanilang ipinapasada?

Nang marami na ang gumagamit, nahatak pati ang presyo ng LPG na ginagamit sa pagluluto. Hindi ba’t dumating ang panahon na ang LPG ay halos umabot P1,000 ang 11 kilo?!

Ang ibig nating sabihin, noon pa man ay may bahid na ng eskemang mapanlansi ang ilan sa mga nagpasimuno sa nasabing grupo o party-list.

Ibig sabihin mayroon silang ulterior motive para sa interes ng mga sariling bulsa nila at nakapaglunoy pa sa pork barrel funds nang maging party-list.

Kaya naman hindi na tayo nagtaka nang mabasa natin sa balita na ang kanilang kinatawan na si Arnel Ty ay nahatulang guilty sa paglabag sa Section 3 at Section 4 ng Batas Pambansa Bilang 33 o “An Act Defining and Certain Prohibited Acts Inimical to the Public Interests and National Security Involving Petroleum and/or Petroleum Products.”

Sa 16-pahinang desisyon na inilabas ng Department of Justice, nakakita ang Malabon Regional Trial Court nang sapat na ebidensiya laban kay Ty hinggil sa “shortselling and adulteration” ng produktong petrolyo.

101416-lpgma

Inireklamo kasi si Ty, nagmamay-ari ng Republic Gas Corp (Regasco), ng ilegal na pagre-refill ng LPG tanks ng mga higanteng kompanya kagaya ng Pilipinas Shell Petroleum, Petron at Total Gas.

Wattafak!?

Hindi nakombinsi ni Ty ang korte na ang mga walang laman na branded LPG tanks na nakuha mula sa warehouse ay bahagi ng kanilang marketing strategy.

“It is highly doubtful that the volume of the confiscated filled branded LPG cylinders constitutes the number of converted clients… No consumer in his right mind would trade off a newly-purchased or filled LPG gas cylinder for another brand which is being offered for a lesser price,” malinaw na saad sa desisyon.

Pero alam ba ninyo kung ano ang parusa sa paglabag ni Ty?

Pinagmumulta lang si Ty ng P50,000 kaakibat ang subsidiary imprisonment kung bigo siyang makabayad ng naturang halaga.

Ipinakakansela rin ang “license to operate” ng Regasco, at ipinakokompiska ang mga produktong petrolyo na nakuha mula sa kanyang warehouse.

‘Yun lang ba?

Sa ganang atin, dapat mai-lifestyle check ang LPGMA representative.

Dapat busisiin ang kanyang SAL-N mula nang maupo siya bilang party-list representative hanggang sa kanyang kasalukuyang estado.

Sabi nga ng mga mahigpit na sumubaybay sa kasong ito — si Ty ay perfect example ng isang lawmaker pero numero unong lawbreaker…

Ano kaya ang masasabi ng mga nauto ni Mr. Ty para suportahan ang LPGMA?

Wanna break a leg, Mr. Ty?

WALANG KABUHAY-BUHAY ANG DURUAN
AT MURAHAN NINA BARBERS AT PICHAY

101416-barbers-pichay

LOUSY!

‘Yan ang kantiyaw ng mga naunsiyami sa sapakan ng mga kongresman na sina Surigao del Norte Rep. Ace Barbers at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr.

Mas marami pa ang nagulat nang malaman na kongresman pala ulit si Pichay.

Buong akala nila ay hinatulan na ng Sandiganbayan sa kasong paggamit ng pondo ng LWUA sa pagbili ng isang bankrupt na banko na pag-aari naman ng mga Gatchalian.

Pero maling akala pala dahil nakita nga sa video post ni Ms. Tina Panganiban Perez sa Facebook, na alive and kicking pa pala sa Kamara si Pichay.

Grabe!

Ang daming nag-share (4,760) at 283K ang nag-likes bukod pa sa hindi matapos-tapos na comments. Pero ang ikinaunsiyami nang lahat, walang naganap na suntukan!

Kumbaga, sisiw sa upakan ng mga parliamentarian sa Europe, sa Japan, sa Taiwan at sa Korea.

Very lousy daw talaga!

Ang isa pang nakapagtataka rito, kahit si Rep. Ace Barbers ang nanugod parang mas marami ang kumakampi at humanga sa kanya.

Ala-David vs Goliath kasi ang eksena.

Kaya next time daw po, dalawang ‘matatapang’ na kongresman, ituloy ninyo sa boksing ang argumento ninyo…

Baka naaliw pa ninyo ang inyong audience.

Better luck next time!

REKLAMO SA ROASTERY INC.
(PAGING: DOLE, SSS & PASAY BPLO)

GOOD morning Mr. Yap, help me, kc po may kaibigan ako nagtatrabaho sa kompanyang ROASTERY INC. Hindi sila sinasahuran nang tama, wala sa minimum ang sahod nila 350 lang sahod nila. May sumasahod pa ng 300 bawat araw. Hindi pa nagbabayad ng overtime at holiday. Wala rin SSS ang ibang empleyado. Ang iba nilang kasamahan dalawang taon na sa kom-panya kinakaltasan siya ng SSS pero walang record na hinuhulugan siya. Tulungan po ninyo sila Sir. Maraming salamat po. Ang ROASTERY INC. Nka address sa 329-321 P. Samonte St., Brgy. San Isidro Pasay City. Sir ito ay itinatago at walang pangalan sa labas. Matagal na nilang niloloko ang mga manggagawa. C Grace Montecillo parang nagpapagamit sa kompanya sir.

Ang kilalang may-ari ng kompanya c Esmeralda Zamora, Maria Kathlea Ang, Relly Jay Zamora (MATT), at may iba pa sir. Sir kung pwd tulungan po ninyo sila kc mukhang sobra na ang panloloko. Pakiimbestigan po ang kompanyang ‘yan, dahil pati yata ang city hall ng Pasay niloloko kc iba ang pangalan na nakarehistro sa tanggapan ng business permit ng Pasay. Pakiusap po sana hindi lang diyaryo ang action ninyo at sana malaman ito sa tanggapan ng Department of Labor (DOLE). Lalong-lalo na kay Pangulong DU30. Pakiusap po Sir Yap.

+639974916 – – – –

PAALALA SA MGA
ADDICT AT PUSHER

GOOD pm po, ang masasabi ko lang po s mga drug user at pusher huminto n po kau. Kawawa ang mga familya n’yo pg nadale kau, cla unang apektado. 2lad po nangyari sa Sauyo Nova, sa Del Nacia villages. Ilan na po ang kinausap ng mga pulis un namatay na magbago na pero itinuloy nya pa rin ang mag2lak at gamit. Masisi ba natin ang mga pulis? Kwawa ung naiwan na fa-milya nila namatayan nga cla nalaman pa na adik un mahal nila sa buhay. Binigyan n rin kau panahon para magbago ‘di ba? Kau po mismo nag-hukay ng sarili nyo libingan. Magbago na po kayo. Hndi ganun kasama c Digong. Isa lang gus2 nya mailayo tayo sa hndi magandang gawa at masira ung buhay natin at sa next generation. may panahon pa po para magbago. Sayang ung buhay natin na ibinigay ng Diyos, maawa tau sa nagmamahal satin. Pls po magbago na po. Stop na.

+63950214 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *