Thursday , December 26 2024

DU30–DE5 magkasuhan nang magkasubukan

NAUNA nang sampahan mga ‘igan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng kasong kriminal  si Senator Leila De Lima (5) sampu ng anim pang pasaway kaugnay sa kinasasangkutang illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

At mantakin n’yo mga ‘igan, dahil sa paglabag sa Section 5 kaugnay sa Section 26 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001, aba’y maliban kay De Lima’y walang takot na idinawit ni VACC founding chairman Dante Jimenez sina former Justice USec. Francisco Baraan III at former Bureau of Corrections Director Franklin Jesus Bucayu. Hindi rin pinalagpas ang former security aides ni De-5 na kinabibilangan nina Sweetie-Joenel Sanchez at Jad De Vera. Damay din mga ‘igan ang kanyang dating driver na si Ronnie Dayan at si high profile inmate Jaybee Sebastian.

Sa pangyayaring ito mga ‘igan, matapang na hinamon ni senadora De Lima ang lahat ng mga taong nagsampa ng kaso laban sa kanya at maging ang magsasampa pa lamang na idirekta na ang paghahain nila ng kaso sa Ombudsman kaysa Department of Justice (DOJ), na ayon sa senadora’y ang tamang ahensiya at jurisdiction.

Take note mga ‘igan, ika pa’y handang-handa umano niyang sagutin ang mga kasong isinampa laban sa kanya partikular ni VACC Chairman Jimenez at isama pa umano ang ikinaso sa kanya ni Atty. Ferdinand Topacio ng DOJ.

Ang matindi rito mga ‘igan, hinding-hindi rin umano magpapatinag ang matapang na senadora, bagkus kakasuhan niya si Pangulong Digong at naniniwalang hindi umano sakop ng immunity ng pangulo ang ginagawang pang-aabuso sa kanyang kapangyarihan.

Sus, kasong “Writ of Amparo of Hebeas Data” ang kanila umanong isasampa sa Supreme Court, at may dagdag umanong kasong paglabag sa “Code of Conduct” na isasampa naman sa Ombudsman…

Wow! Aba’y magkasuhan nang magkasubukan na! At nang lumabas na ang totoo sa taongbayang uhaw sa katotohanan!

Pero ‘igan, priority pa rin sana natin ang mga problema at mga pangangailangan ng sambayanang Filipino na uhaw sa tunay na pagbabago!

KORUPSIYON SA BARANGAY TULDUKAN NA

Mga ‘igan grabeng katiwalian na ang nagaganap ngayon sa ilang barangay partikular sa lungsod ng Maynila. Tulad sa Brgy. 781 Zone 85 District V, na pinamumunuan ni Barangay Chairman Jason B. San Juan. Sus ginoo ka! Totoo ba itong sambit ng aking pipit na malupit? Ayon sa aking pipit mga ‘igan, mag-dadalawang buwan na umanong walang koryenteng dumadaloy sa streetlights sa nasabing barangay. Dahil dito’y naging talamak umano ang nakawan, holdapan at droga sa nasabing barangay. Ang matindi pa rito’y maging ang Barangay (781) Hall ay wala ring koryente, kaya ubod umano nang dilim.

Sus, paanong makapagtatrabaho ang mga opisyal ng barangay kung walang koryente sa nasabing barangay hall/opisina ng barangay?

Aba’y anong isyu meron dito ‘igan?

Ayon sa aking pipit, naputulan ng koryente ang nasabing barangay hall, damay ang streetlights. Ang tanong ng ka-barangay, kaninong bulsa napupunta ang ibinibigay na budget para sa barangay?

Aba, aba, aba Chairman, mukhang napapabayaan mo na ang iyong barangay! Ano’t hindi mo mabayad-bayaran ang konsumo ng koryente ng iyong barangay hall upang makapagtrabaho nang maayos ang mga tauhan mo at maging takbuhan ng barangay mo sa oras ng pangangailangan?

Ubod umano ng dilim Chairman, hindi ka nila makita. Pailawan mo na ‘Che ang streetlights mo upang maging maliwanag ang katotohanan kung saan napupunta ang budget ng barangay na pera ng taongbayan!

Maging mulat sa mga nangyayari at problema sa barangay na nasasakupan, maging sa iyong pamilya, pag-usapan ito’t resolbahin. Huwag sanang mangyaring ikaw ang maging usap-usapan sa iyong barangay dahil sa iyong kapabayaan at katarantaduhan.

Hindi tsismis…sa totoo lang po! Mag-resign kung kinakailangan, huwag nang hintaying mapatalsik sa posisyon…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI

ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *