Monday , December 23 2024

What’s next for Senator Leila ‘Sweetie’ De Lima?

HALOS patapos na ang pagdinig sa Kamara.

Kaugnay ito ng sinasabing drug trade sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) noong panahon ni Justice Secretary Leila De Lima.

Sa huling araw ng pagdinig nitong Lunes, maraming bumilib sa tinawag na king of drug lords na si Jaybee Sebastian.

Sa estilo ng pagsasalita at presentasyon ni Sebastian ng mga pangyayari na nag-uugnay kay De Lima sa illegal drug trade sa Bilibid.

Tahasang sinabi ni Sebastian na nagbenta siya ng malakihang bulto ng shabu sa loob ng Bilibid dahil kailangan niyang magbigay ng pera kay De Lima para sa pondong gagamitin sa eleksiyon.

Walang gatol ang mga kuwento ni Jaybee at talagang hindi siya mapagbibintangan na nagsisinungaling o nag-iimbento ng kuwento dahil napaka-vivid ng kanyang memorya.

At sabi nga ng ilang mambabatas, nagkakatugma ang mga kuwento ni Jaybee sa iba pang naunang nagbigay ng pahayag tungkol sa illegal drug trade sa Bilibid.

Sa ganang atin, bumilib din tayo sa galing at talas ni Sebastian. Hindi nakapagtatakang kayang-kaya niyang pamunuan ang Sigue-sigue Sputnik gang.

Pero ang gusto sana nating makita ay ‘yung mga konkretong ebidensiya o hard evidence kung paano umiikot o nag-o-operate ang illegal drug trade.

Paano nakapapasok at paano naipakakalat ang droga sa buong bansa?

Mayroon bang bank deposit slip na nagpapatunay na nagbibigay sila nang milyon-milyon kay De Lima?!

Ang mga itinuturo nilang papa at popsie ni Madam Leila na at the same time ay ginagawa niyang bagman?!

Bukod sa word of endearment na ‘sweetie’ at mainit na holding hands kay Joenel Sanchez, wala na bang iba?!

Mayroon ba talagang nagaganap na umpugan ng yagbols kina Ronnie Dayan at Warren Cristobal?!

Kakaiba rin talaga ang pagiging hot momma ni Madam?!

Hehehehe…

Kahapon, opisyal na naghain ng asunto sina VACC chief Dante Jimenez at Atty. Ferdinand Topac ‘este’ Topacio laban kay De Lima at sa pitong iba pa na itinuturong sangkot sa illegal drug trade sa Bilibid.

Kasama sa mga sinampahan ng asuntong paglabag sa Republic Act 9165 sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III; dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu; ang mga security aides ni De Lima na sina Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jose Adrian Dera alias Jad De Vera; ang staff ni Bucayu at sinabing bagman na si Col. Wilfredo Ely; at ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian

Ginamit na basehan ng VACC sa pag-asunto ang testimonya nina dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos at inmate Herbert Colanggo.

Sa kaso ni De Lima, klaro umano na ginamit niya ang kapangyarihan para maipuwesto ang mga taong ginagamit niya para sa pagmamaniobra ng drug trade.

Pero nagtawa lang si De Lima, dapat daw sa Ombudsman isinampa ang asunto.

Mga suki, hindi pa tapos ang drama-rama ni De Lima, abangan at tutukan pa natin ang mga susunod na kabanata alang-alang sa bayan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *