Saturday , February 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyon kay John Lloyd Cruz itinanggi ni Maja Salvador

LAST Saturday sa matagumpay na anniversary concert ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” ni Cardo o ni Coco Martin sa Araneta Coliseum ay nakorner ng mga reporter si Maja Salvador na matagal ring naging part ng serye na nag-perform noong gabing iyon kasama ng mga kapwa Kapamilya stars.

Agad inusisa kay Maja ang tungkol sa kanila ni John Lloyd Cruz na umano’y karelasyon na ng singer-actress. Pero mabilis ang tugon at paliwanag ni Maja, ay aminado siyang super close sila ngayon ni Lloydie at may pagkakataon na magkasama silang lumalabas pero, wala raw malisya ang mga date nila ng actor.

Saka hindi naman daw sila nakikitang nagki-kiss sa public kaya wala raw talaga iyon. Saka inamin ng petite actress, na may mga manliligaw siya at may nagpapasaya sa kanya pero no commitment raw muna siya.

Convince ba kayo, na loveless siya gyud!

Boylet ni Ali, kinakikiligan na rin!

JC, SI PRINCE STEFAN NA NGA BA

ANG IIBIGIN SA “TILL I MET YOU?”

Hindi na lang ang kuwento ng pag-ibig nina Iris (Nadine Lustre) at Basti (James Reid) ang kinakikiligan ng mga manonood kung hindi pati na rin ang umuusbong na pag-iibigan nina Ali (JC Santos) at ng chef na si Nico, na ginagampanan ni Prince Stefan, sa ABS-CBN primetime series na “Till I Met You.”

Maraming nasiyahan sa paglabas ni Prince sa teleseryeng pinagbibidahan ng JaDine, kaya naman lubos din ang pasasalamat niya para sa biyayang ito.

“Masayang katrabaho ang cast, lalo na si JC. Inirerespeto ko siya bilang aktor, napakabait niya,” sabi ni Prince.

“Sobrang nagpapasalamat din akong makasama ang JaDine. Isa itong malaking blessing.”

“Ang galing kasi, parang ako ‘yung character ni Nico, hindi ako nahirapan sa acting. Salamat sa ABS-CBN and Dreamscape para sa oportunidad na ito,” dagdag niya.

Ngayon nga ay lumalalim na ang pagkakaibigan nina Nico at Ali matapos maganap ang kanilang first date. Ngunit dahil sa lubos na pag-aalala nina Basti at Iris, sinundan nila ang kanilang kaibigan upang masiguro na ayos ang kalagayan nito, dahilan naman para sumama ang loob ni Ali.

Si Nico na nga ba ang tutulong kay Ali upang malimutan si Basti? Paano naman kaya maibibigay nina Basti at Iris ang kanilang suporta para sa kaibigan? Huwag palampasin ang pamamayani ng tunay na pag-ibig sa “Till I Met You,” gabi-gabi pagkatapos ng “Magpahanggang Wakas” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para naman makabili ng exclusive TIMY merchandise, mag-order lamang sa abs-cbnstore.com o pumunta sa branches nito sa ELJ Building, Quezon City o sa 3rd level ng TriNoma Mall.

BROADWAY BOYS NANGHAHARANA

TUWING SABADO SA EAT BULAGA

Si Bossing Vic Sotto ang nagbansag sa sumisikat ng “Broadway Boys” sa Eat Bulaga na ang miyembro ay kinabibilangan ng first grand winner ng Lola’s Playlist na si Francis Aglabtin kasama sina Joshua Lumbao, Benidict Aboyme at Joshua Torino.

Walang itulak kabigin sa apat pagdating sa pagkanta ng old hits ng legend singers sa Hollywood na sina Frank Sinatra, Matt Monro, Johnny Matis atbp. Pare-parehong malalamig ang boses nila. Kapag napakinggan nga ay parang hinaharana sa kanilang mga awitin ang studio audience, mga lolo, lola, nanay, tatay at ang lahat ng home viewers.

Tuloy pa rin ang Lola’s Playlist: Beat The Champion na ang weekly finalist ay nakikipag-showdown kay Lola’s Playlist champion Francis na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang titulo.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Debbie Lopez Ariel Daluraya

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Bloodletting na ginanap noong February …

Nadine Lustre Leni Robredo

Nadine muling susuportahan si Leni sakaling tatakbong pangulo

MATABILni John Fontanilla MALAYO pa man ang presidential election ay very vocal na si Nadine Lustre sa …

2026 Blue Falcon Awardees V Mapa HS Grand Alumni Homecoming

2026 Blue Falcon Awardees pararangalan sa 2026 V. Mapa HS Grand Alumni Homecoming 

MATABILni John Fontanilla ISA ang inyong lingkod sa bibigyang parangal sa gaganaping 2026 Victorino Mapa High …

Nadine Lustre Christophe Bariou Daniel Mac

Nadine at Christophe trending interview ni Daniel Mac

MATABILni John Fontanilla PINAG-USAPAN sa social media ang latest vlog ng American content creator na …

Heart Evangelista APAC Top Key Voices

Heart kayang makipagsabayan malalaking pangalan sa luxury fashion industry

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY ang pamamayagpag ni Heart Evangelista sa global fashion stage. Muling pinatunayan ng Global …