KINOMPIRMA ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pag-aresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Jose Adrian Dera alyas Jad de Vera.
Ayon kay Aguirre, inaresto si Dera kamakalawa ng gabi sa isang hindi tinukoy na lugar sa Quezon City at kasalukuyang nasa kustodiya na ng NBI para sa interogasyon.
Inaresto siya dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga at kasama rin sa lookout bulletin order ng DoJ.
Si De Vera na pamangkin ni De Lima ay isa sa sinasabing mga bagman sa drug money mula sa high profile inmates sa New Bilibid Prisons (NBP) ng senadora at dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayu.