INILIPAT na sa Pampanga Provincial Jail ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.
Ito’y kasunod ng apela ng kampo ni Fernandez na ilipat siya sa provincial jail dahil siksikan ang mga preso sa Angeles District Jail na dating pinagkulungan sa kanya.
Nasa 20 preso lang ang kapasidad ng Angeles District Jail ngunit nasa 102 ang nakakulong dito.
Naaresto kamakailan ang aktor sa Angeles City, Pampanga makaraan makompiskahan ng isang kilo ng marijuana.
Nagpositibo si Fernandez sa marijuana ngunit negatibo sa shabu batay sa isinagawang drug test.