Monday , December 23 2024
nbp bilibid

De Lima, 7 pa kinasuhan ng drug trafficking

SINAMPAHAN ng kasong drug trafficking o paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Department of Justice (DoJ) si Senator Leila De Lima dahil sa sinasabing pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Base sa 62-pahinang reklamo na inihain ni Volunteer Againts Crime and Corruption (VACC) founding chairman Dante Jimenez, sinabi niyang ginamit ni De Lima ang kanyang kapangyarihan noon bilang justice secretary para isulong ang  malawakang drug trade sa Bilibid.

Kabilang na rito ang pakikipagsabwatan sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) at high profile inmates para imaniobra ang illegal drug trade sa loob ng piitan.

Nakasaad sa affidavit, para makontrol ni De Lima ang negosyo sa loob ng Bilibid, inilipat sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 19 high profile inmates kabilang na si Herbert Colanggo.

“Her influence and power likewise offered respondents in this case shield and protection to ensure the invinsibility in the conduct of their illegal trade; in this same manner that she was also able to eliminate the competitors of Jaybee inside the prison by having them transferred to the NBI (National Bureau of Investigation) in December 2014,” base sa reklamo.

Naniniwala si Jimenez na may motibo si De Lima para masangkot sa illegal drug trade dahil sa ambisyon na maging senador noon pang taong 2013.

Samantala, bukod sa senadora, kabilang din sa sinampahan ng kaso sina Francisco Baraan III, DoJ undersecretary na nangasiwa sa Bureau of Corrections (BuCor); Franklin Jesus Bucayu, dating BuCor Director; Ronnie Palisoc Dayan, dating driver-bodyguard De Lima, at sinasabing kanyang dating lover; Jaybee Sebastian, high-profile NBP inmate, nagsisilbi ng dalawang habambuhay na pagkabilanggo sa kasong kidnapping for ransom at carjacking; Joenel Sanchez, miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na naka-detail kay De Lima; Jose Adrian Dera, sinasabing pamangkin ni De Lima at nagsilbi ring isa sa kanyang bodyguard, at Col. Wilfredo Ely, dating  staff ni Bucayu.

Bilang reaksiyon, minaliit lamang ni De Lima ang inihaing reklamo.

Ang ipinagtataka niya ay kung bakit sa DoJ inihain ang kaso gayong doon umano ‘nagma-manufacture’ ng mga testigo sa Kamara.

PAMANGKIN NI DE LIMA
INARESTO NG NBI

KINOMPIRMA ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pag-aresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Jose Adrian Dera alyas Jad de Vera.

Ayon kay Aguirre, inaresto si Dera kamakalawa ng gabi sa isang hindi tinukoy na lugar sa Quezon City at kasalukuyang nasa kustodiya na ng NBI para sa interogasyon.

Inaresto siya dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga at kasama rin sa lookout bulletin order ng DoJ.

Si De Vera na pamangkin ni De Lima ay isa sa sinasabing mga bagman sa drug money mula sa high profile inmates sa New Bilibid Prisons (NBP) ng senadora at dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayu.

RONNIE DAYAN IPINAAARESTO NG KAMARA

IPINAAARESTO na ng House committe on justice si Ronnie Dayan, ang sinasabing bagman at dating driver-bodyguard ni Senator Leila de Lima, makaraan ang bigong pagdalo sa pagdinig sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Ang hakbang ay pinangunahan ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas at ito ay sinuportahan ng 12 mambabatas.

Noong Oktubre 1, pinadalhan ng subpoena si Dayan para dumalo sa pagdinig ngunit hindi siya sumipot.

Binigyan siya ng 24 oras para idepensa ang kanyang hindi pagdalo ngunit nagmatigas.

Para kay Dayan
NBP PROBE MULING BUBUKSAN

MULING bubuksan ng House committee on justice ang kanilang imbestigasyon hinggil sa drug trade sa New Bilibid Prison sakaling magpakita at maglahad ng kanyang testimonya ang dating driver ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan.

Ito ang pagtitiyak ni Justice committee chairman Rep. Reynaldo Umali kahit tinapos na ng kanyang pinamumunuan na komite ang kanilang pagsisiyasat sa isyu ng kalakaran ng droga sa Bilibid.

Habang inisyuhan ni Umali si Dayan ng contempt kamakalawa ng gabi makaraan isnabin ang subpoena at show cause order na kanilang ipinataw.

Kaakibat ng contempt order na kanilang inisyu ang pagpapakilos sa law enforcement agencies upang hanapin, dakpin at arestohin si Dayan.

NEGOSYONG ‘KARNE’ NI OSANG
SA BILIBID INAMIN NI SY

INAMIN ng high-profile convict na si Vicente Sy nitong Lunes ang pagdadala ng kanyang kaibigang si Rossana Roces ng mga babae sa New Bilibid Prison (NBP) para sa kanya at sa ibang kapwa preso.

Ginawa ni Sy ang pag-amin sa harap ng House inquiry kaugnay sa sinasabing illegal drug trade at iba pang anomalya sa loob ng national penitentiary.

Nitong nakaraang linggo, itinanggi ni Roces na kabit niya si Sy, makaraan mabanggit ang pangalan ng dating aktress sa House inquiry.

“Paanong magiging mistress e babae ang dinadala ko ke Enteng. Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin. Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko,” pahayag ni Roces sa Jennifer Cruz Adriano’s Facebook.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *