Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita hinabol ng gumagalang ‘killer clown’ (Sa Ilocos Sur)

VIGAN CITY – Nagdulot ng takot sa mga residente ang pinaniniwalaang paghabol ng isang naka-custome ng clown sa isang babae sa Brgy. Ayusan Norte, Vigan City, Ilocos Sur kamakalawa.

Ayon kay Brgy. Kagawad Bernard Dasugo, chairman ng committee on peace and order sa naturang barangay, pauwi na ang biktima galing sa panonood ng volleyball tournament nang may nakita siyang nakaupo na duguang clown sa madilim na parte ng lugar.

Nang makalapit ang biktima ay hinabol siya ng suspek na pinaniniwalaang may hawak pang chainsaw.

Sumigaw ang biktima upang humingi ng tulong kaya’t tumakas ang suspek sakay ng SUV na may dalawa pang nakasuot ng bonet sa loob nito.

Agad naipaalam sa mga awtoridad ang insidente ngunit nang magresponde sila ay wala na ang mga suspek.

Dahil sa pangyayari, pinaalalahanan ni Dasugo ang mga magulang na bantayan ang mga anak at huwag basta-bastang papayagan na lumabas tuwing dis-oras ng gabi para sa kanilang seguridad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …