Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor sugatan, 1 pa patay sa tandem

MASUSING iniimbestigahan ng Pasig City Police kung may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagbaril sa aktor na si John Wayne Sace at kasamahan niya kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Pasay.

Patuloy na inoobserbahan sa Rizal Medical Center si Sace na tinamaan ng bala sa bewang makaraan barilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Sagad, Pasig City.

Habang binawian ng buhay ang kasama ng aktor na si Erik Sabino.

Ayon kay Pasig City Police chief, Senior Supt. Orlando Yebra, naghihintay sina Sace at Sabino sa kanilang kaibigan nang dumaan ang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima.

Ayon kay Yebra, ang aktor at si Sabino ay nasa drug watchlist ng barangay.

Si Sace ay dating miyembro ng dance group na Anime, naging bahagi ng mga pelikulang Dekada 70, Kutob, Don’t Give Up On Us, at Matakot Ka sa Karma.

Naging tampok din noon si John Wayne sa ilang TV series ngunit tatlong taon nagpahinga sa showbiz at noong nakaraang taon lang nakabalik muli.

Una nang inamin ng aktor na siya ay gumamit ng ilegal na droga dahil sa mga problema.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …