Monday , December 23 2024

Voluntary ‘pitsaan’ deportation sa 154 illegal Chinese workers (Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

ISANG malaking bulilyaso at anomalya ang nangyari nito lang nakaraang linggo matapos ang Bureau of Immigration Board of Commissioners (BI-BOC) meeting nang mabuking nina BI Commissioners Jaime Morente, Al Argosino at Michael Robles ang tangkang pagpapalusot na maging voluntary deportation imbes i-charge for summary deportation ang 154 Chinese nationals na dinakip sa isang illegal online gaming sa Clark, Pampanga!

Mahigpit ang instruction ng tatlong commissioners na i-charge for summary deportation ang sandamakmak na Tsekwang working without visa pero sa hindi malamang dahilan ay voluntary deportation ang isinubo sa kanila ng mga illegal ‘este’ legal officers ng bureau na nag-handle ng naturang kaso?!

Wattafak!

Sa mga hindi nakaiintindi ng diperensiya ng dalawa, pareho lang po ang proseso ng summary deportation at voluntary deportation.

In fact, mas mabuti nga sana kung summary deportation ang mangyayari sa isang banyagang may paglabag dahil mas mabilis ang proseso ng kanyang deportation.

Pero malalagay ang pangalan mo sa blacklist status ng Immigration.

At kapag Blacklisted, it would take some time bago ma-lift upon the recommendation of the BI-BOC.

Sa hindi rin malamang dahilan, inaaabot nang hanggang anim na buwan bago mapirmahan ang isang summary deportation order sa isang dayuhan kaya habang waiting ‘e kulong muna sa BI bicutan detention cell.

Samantalang kung voluntary deportation order (VDO) nga naman, hindi lalabas na “Blacklist” ang isang nagkasalang foreigner at madali pang makababalik sa kanilang bansa!

Itong VDO ang madalas i-offer ng ilang Immigration liars ‘este lawyers na humahawak nang ganitong kaso sa BI if the price is right.

Magkano ‘este paano nangyayari ang ganitong maniobrahan?!

Anyare?!

Agad umanong ipinatawag si OIC-Executive Director Vicente Kabisote ‘este Uncad na siyang tumatayong Board Secretary ng BOC.

S’yempre nandiyan na raw ang kanya-kanyang turuan at sisihan but in the end isang kawawang staff, naturalmente ang nasisi at napagdiskitahan?!

Nakowwss! Lumang style na ‘yan!

Knowing the people who now surround Commissioner Jaime Morente and taking in-charge at OCOM, basagan tayo ng yagbols kung walang alam ang tatlong abogadong bugok na tulisan diyan?!

Imagine kung lumusot ang nasabing VDO maliwanag na milyones ang kikitain sa nasabing transaksiyon!

May info nga tayo na nakapag-advance na nga raw ng 2 MANSANAS sa dalawang abogado ang handler ng mga Chinese na ‘yan?!

At ang ‘cashunduan’ diyan ay P50K kada ulo para sa VDO kaya suma total tumataginting na P77M?!

Grabe!

Para rin palang pera sa Bilibid ‘yan?!

Sa nangyayaring tangkang palusutan diyan hindi ba dapat na matsugi na ang mga dating henchmen ni pabebe boy na nakapaligid kay Commissioner Morente?!

Kailan kaya magigising si Morente?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *