Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

Lady solon eksenadora sa Kamara?

THE WHO ang isang congresswoman na gumagawa ng eksena sa Kamara na labis namang ipinagtataka ng ilang mga kabaro nito.

Ayon sa ating Hunyango, ‘Shocking Talaga’ or in short ST ang ikinikilos ni Madam Mambabatas kung kaya’t napapaisip ang mga kasamahan niya kung bakit ganoon siya.

Timbre sa atin, nitong mga nakaraang araw habang isinasagawa ang budget hearing, aba’y bigla raw tumayo si Madam sa plenaryo para umepal, ehek, para magtanong nang walang kakuwenta-kuwenta.

Ganito po kasi ‘yan, bago talakayin sa plenaryo ang aaprubahang budget, mayroon munang tinatawag na budget briefing sa Committee o paunang talakayan at pagkatapos noon mayroon pang pre-plenary briefing.

Layunin ng mga nasabing pagdinig na mapabilis ang pagpasa ng budget sa plenaryo kung kaya’t may dalawang hearing muna bago dalhin doon.

At sa naturang dalawang hearing malaya ang mga mambabatas na magtanong ng kanilang gustong itanong sa panukalang budget para masagot agad at hindi na humaba pa ang diskusiyon sa plenaryo.

Ang siste, sa dalawang pagdinig na iyon nagtanong din naman daw nang dalawang ulit si Madam pero pareho ang katanungnan at nasagot naman nang maayos. Kumbaga naplantsa na ang lahat dahilan para dalhin na nga sa plenaryo.

Heto na ngayon, nabigla na lang ang mga kasamahan ni Madam nang dumating sa plenary hall ang budget hearing dahil nagtanong siya ulit at ang itinanong niya ay ‘yong katulad din ng tanong na ipinukol niya sa budget briefing at pre-plenary briefing!

Anak ng kulugo talaga oo!

Madam hindi baleng pabalik-balik ‘wag lang paulit-ulit!

Nang-aano ka e!

Harharharharhar!

Heto pa, minsan daw may isang congressman na nagpapirma ng dokumento sa kanya at pinirmahan naman ni Madam ang dokumento sa harapan mismo ng nabanggit na mambabatas.

Makalipas ang ilang araw, aba’y galit na galit na pumunta sa opisina ng mataas na opsiyal ng Kamara at saka nagtatalak na pineke raw ang kanyang pirma sa nasabing dokumento!

Inaksiyonan naman ang reklamo ni congresswoman, pero nang imbestigahan ang alegasyon nito lumalabas na talaga raw pinirmahan ni ST ang dokumento!

Anak ng Kurimaw!

Ano ‘yon power trip?

O ulyanin?

O eksenadora lang talaga ang ‘butihing’ congresswoman?

‘Yan ang ‘di natin alam, itanong n’yo kaya sa kanya.

Boink!

Makaalis na nga baka tumaas ang blood pressure ko!

THe WHO? SCANDAL

ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …