Monday , December 23 2024

Erpat ni manong kongresman nagpupumilit maisaksak sa Duterte admin

MATALAS ang pang-amoy ng isang congressional erpat kaya’t mabilis na nakasiksik sa pakpak ng Duterte administration.

Hindi natin tinatawaran ang determinasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang ating pamahalaan.

Ang siste lang, mayroon talagang makakapal ang mukha at tila linta sa katindihang sumipsip kaya nasilip agad ang isang bakanteng puwesto sa Philippine Ports Authority (PPA).

‘Yung anak kasing si manong kongresman ni erpat, e maagang nakatalon sa lumulubog na bangka ng dating administrasyon kaya mabilis na ‘nakasampay’ sa Duterte administration.

Dati raw nakapuwesto sa isang puerto ng Bureau of Customs (BoC) si erpat. Bukod sa nasa retirable age na, ‘e alam nang lahat na nakasandok na ng sandamakmak na kuwarta.

Sabi nga ng mga stakeholder noon sa puertong napuwestohan ni erpat, ‘e matindi raw talaga.

Kahit ang mga contractor na bigay-hilig, nagreklamo rin sa kahidhiran sa kuwarta no’ng erpat.

Ibang klase raw kasi ang lifestyle…

Kumbaga, puwede nang magretiro at maging maligaya sa nalalabi pang araw niya sa mundo.

Pero hindi raw nauubos ang kasuwapangan ng erpat. Parang dynastical ang kahidhiran sa puwesto at sa kuwarta ng erpat ni manong kongresman.

Naka-buenas pa nang lagay na ‘yun dahil ayos na raw ang papeles at naghihintay na lang ng opisyal na appointment mula sa Malacañang.

Kapag opisyal na raw ang appointment, aba, titiba nang malaki si erpat ng kongresman dahil malalaking proyekto ng PPA ang pahahawakan sa kanya?!

Kumbaga sa suwelas ng sapatos, si erpat ni manong kongresman ‘e subok na makapal, subok na matibay (ang sikmura).

Executive Secretary Salvador “Bingbong” Medialdea, Sir, baka malusutan si PDU30 nang ganitong klaseng linta, puwede bang pakihigpitan ang pagsala!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *