Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kawawa ka naman brad…

NAKALULUNGKOT na may mga kababayan tayo na hanggang ngayon ay takot na takot lumabas mula sa lilim ng palda ng mga Amerikano, na mas pipiliin nila ang hindi parehas na pakikipag-ugnay sa atin kaysa magkaroon tayo ng malayang ugnayang panlabas.

Ayon sa kanila ay malaki ang naitutulong daw sa atin ng mga Kano kaya hindi tayo dapat tumalikod sa kanila.

Wala naman tayong tinatalikuran. Nilalawakan lamang natin ang ating pananaw at hanay ng mga kaibigan. Hindi naisip ng mga bulag nating kababayan na dahil sa “mga tulong na iyon” ng mga Kano ay nanatiling bansot ang ating ekonomiya, mahina ang ating militar at magulo ang politika sa bansa. Hindi nila alam kung ano ang epekto ng neo-kolonyalismo.

Ang mga kababayan natin na nagpapakita ng kamangmangan ay bunga ng mahusay na panlilinlang ng mga Kano sa mga kababayan na nauna sa atin. Ito ‘yung henerasyon ng ating mga tatay na nagpakita sila ng malakas na pagiging maka-Amerikano sapagkat mahusay na naitago sa kanila ang tunay nating kalalagayan

Ngunit ngayon, dahil sa usad ng teknolohiya, ay hindi na kayang ikubli ang ganitong madayang siste.

* * *

Bilang halimbawa, pansinin na pinagbentahan nga tayo ng mga Kano ng dalawang barko na kanilang pinaglumaan pero hindi naman nila ito nilagyan ng armas tulad ng missiles kaya ano ang silbi nito sa atin?

Ayaw nila tayong pagbentahan ng mga makabagong eroplano tulad ng F-16 pero kakampi raw nila tayo. Napabili tuloy tayo ng mga walang kuwentang jet mula sa Korea, mga jet na wala ring armas haaaayyyy…..

Lahat ng mga kapit bansa natin ay may makabagong jets tulad ng Mig at F-16 ngunit tayo na kakampi ng Amerika ay naka Tota-Tora pa rin.

Kakampi tayo pero ayaw tayong bentahan ng armas na magagamit natin sa pagtatanggol natin sa sarili.

Ewan ko kung alam ninyo na sa panahon ng kasagsagan ng giyera sa Mindanao noong 1974 ay hindi tayo pinayagang bumili ng armas ng mga Amerikano sa kanila dahil kakampi rin nila ang Malaysia, ang bansa na nasa likod ng kaguluhan sa Mindanao? Ang nangyari ay sa Singapore pa tayo nakabili ng mga armas at bala na ginamit ng ating hukbo laban sa MNLF.

Ganito ba ang pagkakaibigang gusto ninyo? Tama si Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan na ang ating dependensiya sa mga Amerikano… Bangon Bayan.

* * *

Mas mahal na raw ang shabu ngayon. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website,www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresortpara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Rev. Nelson Flores, A.B., LI.B.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …