Saturday , November 16 2024

Mark Anthony inilipat sa Angeles District Jail

INILIPAT na ng kulungan ang aktor na si Mark Anthony Fernandez habang dinidinig ang kanyang kaso sa Pampanga kaugnay sa pagkaaresto sa kanya ng mga pulis dahil sa nakuhang marijuana sa kanyang sasakyan.

Umaga nitong Sabado nang ilabas si Mark Anthony sa Station 6 ng Angeles City-Police para ilipat sa District Jail ng nabanggit na bayan.

Ang paglilipat ay ginawa batay na rin sa mosyon na inihain sa korte ng kampo ng aktor dahil masikip ang piitan sa Station 6.

Ngunit sa mosyon ng kampo ni Mark Anthony, nakasaad sa kanilang kahilingan sa korte na sa Provincial Jail siya ilipat.

Sa commitment order na inilabas ng korte nitong Biyernes ng hapon, iniutos dalhin su District Jail dalhin sa aktor.

Hindi agad naipatupad ang paglilipat dahil sa kakulangan ng panahon at inabot na ng dilim.

Bago siya ilipat ng kulungan nitong Sabado ng umaga, dinalaw siya ng inang si Alma Moreno.

Tumanggi nang magpa-interview ang aktres ngunit sinabi niyang maayos ang lagay ng kanyang anak.

Ayon sa ulat, bagaman masikip din sa District Jail, may lugar na maaaring makapaglakad ang mga bilanggo.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *