PATAY ang isang mag-asawa na hinihinalang sangkot sa droga makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Eduardo Tribiana, dakong 2:00 am nagpapahinga si Randy David, 38, at misis niyang si Marnele Casido, 28, sa kanilang bahay sa Blk. 12-B, Lot 5, Sulib Street, Brgy. 18, Dagat-Dagatan nang pasukin ng dalawang armadong suspek at sila ay pinagbabaril.
Ayon kay Brgy. 18 kagawad Richard Aguirre, sangkot ang mga biktima sa illegal drug trade sa kanilang lugar at napaulat na sumuko na sila sa Oplan Tokhang ng pulisya ngunit hindi tumigil sa pagbebenta ng droga.
( ROMMEL SALES )