Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 inmates pumuga sa Koronadal

KORONADAL CITY – Puspusan ang paghahanap ng mga awtoridad sa limang bilanggo na pawang may kasong ilegal na droga makaraan makatakas sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Koronadal City dakong 2:05 am kahapon.

Kinilala ang inmates na nakatakas na sina Christoper Punzalan Manalang, 38; Roel Gubatonm Austria, 45; Federico Sarayon Abaygar, 48; Edgar Mariano Tiad, 42, at Rosilito Delfin Casiles, 46.

Inihayag ni Supt. Barney Condes, nakatakas ang mga preso makaraan lagariin ang grills sa kanilang selda.

Habang sinabi ni Noel Espinar Tirado, 39, ng City Security Unit (CSU), nakita nila sa Freedom Park ang limang kalalakihan na may dalang bag habang palabas ng BJMP premises.

Bunsod nito, agad niya itong ini-report sa duty officer na si SJO4 Melburn Aujero.

Sa isinagawang ocular investigation, nakita ang nilagareng apat na iron grills na 9ft ang taas sa isang selda na naging daan nang pagtakas ng mga preso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …