Monday , December 23 2024
nbp bilibid

New Bilibid Prison ‘biggest’ shabu trading hub sa Filipinas

KUNG susundan natin ang nagaganap na hearing sa Kamara, batay sa inilalahad ng mga witness, puwedeng maging konklusyon na ang National Bilibid Prison (NBP) ang pinakamalaking shabu trading hub sa bansa.

Mismong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay umaamin na hanggang ngayon, ramdam niyang nagpapatuloy at nakalulusot pa rin ang operasyon ng ilegal na droga sa loob at sa pusod mismo ng Bilibid.

Hindi lang sa ‘pusod ng lokasyon’ kundi sa ‘pusod ng organisasyon’ ng NBP.

Hindi tayo magtataka kung isang araw ay mabisto ng Duterte admi-nistration na nagaganap din ito sa iba pang kulungan.

Ang pagkakaiba ng NBP daan-daang kilong shabu at milyones ang pinag-uusapan.

Sa ibang kulungan, tingi-tingi na sachet-sachet na shabu lang.

Lumalabas na bawat mayor ng bawat ‘gang’ o grupo sa loob ng Bilibid ay ‘tinatarahan’ at kailangan mag-produce o magtulak ng kilo-kilong shabu.

Noon umano, ang ipinalulusot lang sa Bilibid ay alak at babae. Kasunod nito ang kubol ng mga VIP hanggang pati droga.

Ngayon, sa Bilibid na lahat ang transaksiyon ng shabu na ikakalat sa buong Filipinas.

Ibig sabihin, nagpalit-palit ang administrasyon pero hindi naaresto ang korupsiyon sa loob ng Bilibid na pinaniniwalaang lumala noong administrasyon ni PGMA at PNOY.

Kung nabisto na ang drug lords sa Bilibid ay nagagamit na salukan ng salapi para rin sa election campaign fund, hindi na nakapagtataka na sinasalukan din ito ng yaman ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Sa nagaganap na pagdinig ngayon sa Kamara, naniniwala tayo na dapat ipatawag ang mga dating director ng Bureau of Corrections (BuCor) at Superintendent ng NBP upang mailarawan at matukoy kung bakit pinagsama-sama sa Bilibid ang drug lords.

Ibig sabihin, hindi simpleng insidente ang pagsasama-sama nila kundi isang grandiosong plano.

Hindi man sila masampahan ng kaso dahil sa malalang kapabayaan, malaman man lang ng bayan na sila ay naging bahagi ng pagkonsinti at pamamayagpag ng operasyon ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid.

Ngayon, nakikita natin kung paano magturu-turuan ang mga opisyal ng gobyerno para ipagtanggol ang kanilang sarili sa bintang na sila ay corrupt.

Kung hindi pa pala si Duterte ang naging Pa-ngulo natin ‘e hindi pa sasambulat ang malaking kalakalan ng shabu sa pambansang piitan.

Sige, kung hindi corrupt ang mga opisyal na ‘yan, ‘e ano palang puwedeng itawag sa kanila?

Incompetent?!

At mas aaminin siguro ng mga naupong director na takot sila sa mga preso kaysa tawagin silang corrupt?!

Duwag hindi corrupt?!

Wattafak!!!

Sa Japan, ang mga duwag at inutil ay nagwawakas sa Harakiri.

Sa Filipinas, mas gusto ng mga corrupt na sila ay tawaging duwag at inutil…

Pero hindi sila nagha-Harakiri.

Nabubuhay sila sa kapal ng mukha at tigas ng sikmura.

Kaya nasisikmura nilang malulong sa masamang bisyo gaya ng ilegal na droga ang mara-ming mamamayan sa bansa…

Bukod sa mungkahing death penalty na inilalako ng Duterte administrationsa Kamara, patuloy ang operation tokhang at tokbang ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ito ang formula ng Duterte administration para wakasan ang pamamayagpag ng ilegal na droga.

At isa tayo sa umaasa, na dito magwawakas ang pamamayagpag ng salot na ilegal na droga.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *