Ano ang ginagawa ni Ronnie Dayan noon sa BI-OCOM?
Jerry Yap
October 8, 2016
Bulabugin
Noong panahon ni Immigration commissioner Fraud ‘este’ Fred Mison, maraming immigration employees ang nagsasabi na nakikitang regular visitor sa BI-OCOM si Ronnie Dayan, ang itinuturong BFF ni dating justice secretary ngayo’y senadora Leila De Lima at tagakuha ng mga ibi-nibigay na ‘tara’ ng mga drug lord sa New Bilibid Prison (NBP).
Ano kaya ang official business niya at sino ang madalas niyang dalawin at kausapin sa immigration?
Meron kayang bilin sa kanya si mama babes ‘este Madam Leila, kaya iniiwan niya ang kanyang official function as bodyguard at siya mismo ang pumupunta kay pabebe boy?
Ano ang laging pakay niya at lagi siyang na-kikita sa immigration at sa opisina pa ng commissioner?
Very unusual kasi kung sasabihin na naging very close ang isang mataas na official ng isang agency tulad ni Mison sa isang gaya ni Mr. Daya ‘este Dayan lalo’t hindi naman siya personal staff ‘di ba?
Knowing the character of Fred Mison, maniniwala naman kaya ang lahat na magiging very accommodating siya sa mas mababa pa sa kanya!?
Wattafak?!
Hindi kaya umabot din sa pang-amoy ni “Ronnie Boy” ang milyones na kinikita sa recall exclusions, lifting of blacklist, facilitation of different visa, voluntary deportations, escorting sa airport, mga transaksyon sa Legal Division, pagpapapasok ng Chinese shabu chemist at sandamukal pang pinagkakakitaan ng ilang tulisan noong panahon ni Miswa ‘este Mison?
Alam nang lahat sa bureau na rito namayagpag nang husto ang bulsa ‘este career ng isang pa-good guy pati na ang mga taong malalapit sa kanya!
Kaya ang amin lang, kung gusto pang i-explore ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre ang lawak ng moneymaking activities sa panahon ni Leila De Lima, huwag sana niyang kalimutan ang partisipasyon ng Bureau of Immigration sa usaping ito!
Marami siyang puwedeng maging resource persons sa Bureau na magbibigay ng mga very interesting facts tungkol kay Mison et al.
To name a few, nariyan sina Atty. Tan-5 (tunog D5), To-balats, Enteng Kabisote, Atty. Pepper, Bentot Se, Rico Pedrealba, Atty. Utak, Johnny “extra small” Bravo at Dong Castillo!
I’m sure that would be a very interesting topic sa congress kung matutupad ito!
Ano guys GAME NA!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap