Thursday , December 26 2024

Sorry pa more

SA unang pagkakataon mga ‘igan, “I am very SORRY,” ang sambit ni Ka Digong, matapos ang pagsablay sa drug matrix na ipinalabas kamakailan.

May ilang opisyal ng gobyerno ang naidawit at pinangalanan ni Ka Digong sa madla. Part one ito mga ‘igan at accepted naman ng mga nadawit na mga pangalan sa drug matrix ng Bilibid drug syndicate.

Ang part two nito’y nang humingi ng paumanhin si Ka Digong sa Jewish community sa isyung ‘Hitler’ kontra Droga.

“If there was something really…a bad taste in the mouth… sorry… so, I apologize, profoundly and deeply, to the Jewish Community,” dagdag ni Ka Digong.

Kaya tantanan na umano ang Duterte-Hitler issue. Pero teka mga ‘igan, kung si Hitler nga ay nagpamasaker umano ng milyon–milyong Jew, e, kaya rin umano ni Ka Digong ipamasaker ang tatlong milyong adik sa bansa.

Nakaka–Hitler ‘este nakakata–cute naman…

Sa pagpupulong sa Senado kamakailan lang, sus, sorry pa more.

Aba’y walkout ang beauty ni Senator Leila De Lima sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights tungkol sa extrajudicial killings, matapos makasagutan sina Senator Richard Gordon, Alan Peter Cayetano at Panfilo Lacson.

Pero mga ‘igan, masyado umanong masakit para sa senadora nang akusahang itinago niya ang umano’y kidnapping case ng testigong si Edgar Matobato, umaming dating miyembro ng ‘Davao Death Squad’ at nagdiin kay Ka Digong sa mga nangyari umanong patayan sa Davao City noong mayor sa nasabing siyudad.

Sa kabilang banda mga ‘igan, nag-sorry sa publiko si Sen. De Lima, matapos siyang mag-walkout sa pagdinig.

“Pero humihingi rin po ako ng paumanhin, humihingi po ako ng pang-unawa na wala na po akong ibang choice. It’s too much already…” ani De Lima.

Boom!

Sa pangyayaring ito mga ‘igan, iginiit ng Senadora (De Lima) na mali ang akusasyon sa kanya na itinatago  niya ang tungkol sa naging kaso ni Matobato. Kaya dapat umanong mag-sorry sa kanya ang mga taong nag-akusa sa kanya.

He he he…

Senator Gordon, deadma lang, wala umanong balak mag-sorry kay de-Lie-ma ‘este De Lima! Matatandaang nagalit din si Sen. Gordon nang paalisin ni Sen. Trillanes si Matobato sa Senado nang di nagpapaalam…

He He He…

Ganern? Pak Ganern!

Sorry dito, sorry doon ‘igan. Aba’y kaawa-awang di hamak ang mga biktima ng ‘sorry pa more.’ Mantakin n’yong minsa’y buhay ang nakasalang, napaslang dahil sa isang pagkakamali, na pag nag-sorry ba’y maibabalik pa ang buhay?

Nakasalang ang puri o pagkatao, nababoy dahil sa isang pagkakamali. Kapag nag-sorry ba’y maibabalik pa ang dating buong pagtitiwala? ‘Ika nga, “the damage has been done.”

Just do the right things and do things right. Sabagay, trabaho lang, walang personalan!

Sa pagtatapos, isang maligayang pagbati” para kay Barangay 85 Zone 7, Varona St. ,Tondo, Manila, Chair Angela L. Ching, sa kanyang pagdiriwang ng ika-61 kaarawan sa Oktubre 10, 2016. More blessings, long life and good health para sa napakasipag at determinadong punong barangay! Nawa’y magtuloy-tuloy pa ang walang sawang paglilingkod at suporta sa pamamagitan ng magaganda at kapaki-pakinabang na mga proyekto sa nasasakupang barangay, lalo sa mahihirap!

Mabuhay po kayo, Chairman Ching!

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *