Monday , December 23 2024

Nakapanghihinayang ang aktor na si Mark Anthony Fernandez

Personal na obserbasyon po ito ng inyong lingkod.

Kung tutuusin, maraming oportunidad para ipagtanggol ni Mark Anthony ang kanyang sarili.

Lalo’t sinasabi niyang hindi kanya ‘yung isang kilong marijuana.

Inamin niya na bibili siya pero hindi umano kanya ‘yung isang kilong marijuana (cannabis).

Pero nang sumunod na iharap siya sa media, sinabi naman niyang gumagamit siya ng marijuana bilang proteksiyon laban sa cancer dahil nga ang kanyang ama ay namatay sa cancer.

May nakikita naman tayong katotohanan sa sinasabi ni Mark Anthony. ‘Yun nga lang, ang marijuana sa ating bansa ay ‘prohibited’ pa.

Hanggang ngayon ay nakabinbin pa sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na Medical Marijuana, House Bill 180 (Philippine Compassionate Medical Cannabis Act). Hindi rin po lahat ng marijuana ay nakagagamot. Ayon sa neurologist na si Dra. Rhea Salonga-Quimpo, hindi lahat ng strains ng Cannabis ay nakagagamot. Hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa ito.

Ibig sabihin, hindi naman ‘yung HB 180 ang pinag-uusapan sa kaso ni Mark Anthony. Dahil mayroon pa ngang umiiral na batas laban dito.

Ang ipinagtataka rin natin, nauna pang dumating ang media people kaysa mga kamag-anak at abogado ni Mark Anthony.

Dalawang araw pa ang lumipas bago siya nadalaw ng kanyang inang si Ms. Alma Moreno.

Isa pa, na-inquest si Mark Anthony nang walang abogado?! Hindi man lang ba siya pinayagan ng mga pulis na tumawag ng abogado niya?

Wattafak?!

Parang minadali ang pagsasampa ng kaso kay Mark Anthony?!

Ano ba ito, compliance sa utos na kailangan nang makadakip ng mga taga-showbiz ang PNP Region 3?

Tsk tsk tsk…

Sana ay makakuha ng magaling na abogado si Mark Anthony, lalo’t nakita naman natin sa kanyang pangangatawan na mukhang hindi naman siya abusado, kung gumagamit man siya talaga ng marijuana.

Huwag naman maging ‘baby ama’ part 2 ang maging buhay niya.

Umaasa pa rin tayo na malulusutan ni Mark Anthony ang problemang ito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *