Sunday , March 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P135-M Cocaine kompiskado sa Russian, 2 HK residents (Timbog sa airport)

100616_front

ARESTADO sa Customs and Philippine Drug Enforcement Angency (PDEA) ang dalawang Hong Kong residents at isang Russian national bunsod nang pagpuslit sa bansa ng 27 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P135 milyon, sa loob ng kanilang check-in luggage kahapon.

Positibong kinilala nina Ninoy Aquino International Airport (NAIA) District Collector Ed Macabeo, Customs Police chief Reggie Tuason at Col. Marlon Alameda, Customs Anti-Illegal Drug Task Force, sa kooperasyon ng X-ray project personnel, ang tatlong incoming passengers na sina Chan Kawai, Pau Homanevan parehong Hong Kong residents, at ang Russian na si Kirdyushkin Yuri.

Nang dumating ang tatlong pasahero sa NAIA mula sa Rio, Brazil via Dubai lulan ng Emirates Air flight EK 332 dakong 4:30 pm, ay agad inalerto ng Customs at PDEA ang kanilang personnel.

100616-cocaine-pdea-naia-customs
TATLONG dayuhan ang nasakote sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa dala nilang halos 27 kilo ng cocaine, shabu at liquid form na tinatatayang P135 milyon. Kinilala ni NAIA district collector Ed Macabeo ang mga nasakoteng dayuhan na sina Chan Kawai, Pau Homanevan kapwa Hong Kong residents, at Kirdyushkin Yuri, isang Russian national. Ang tatlo ay nasakote nina Customs police chief Reggie Tuason at Col. Marlon Alameda, Customs Anti-Illegal Drug Task Force. (JSY)

Ayon kay Macabeo, nang kunin ng tatlo ang kanilang bagahe mula sa conveyor, sinabihan silang magtungo sa Customs office para sa inspeksiyon ng kanilang maleta.

Doon natagpuan ng mga awtoridad ang cocaine sa powder form at ilan sa liquid form. Sinusuri ng mga tauhan ng PDEA at Customs kung ano ang nasa liquid form.

Ang bagahe ng Russian ay may laman na tinatayang 7.4 kilo ng hinihinalang cocaine (powder form) at 2.5 ng liquid cocaine, habang ang dalawang Chinese ay may dalang siyam na kilo ng powder shabu sa loob ng kanilang bagahe.

Sinabi ni Customs Deputy Commissioner Arnel Alcaraz, ang shipment ay tinatayang nagkakaha-laga ng P135 milyon.

ni JERRY YAP

P2.79-M ECSTACY HULI SA 4 TULAK

UMAABOT sa halagang P2.79 milyon ecstacy ang nakompiska ng mga ope-ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa apat party drug pusher sa magkahiwalay na drug operation, iniulat ng pulis-ya kahapon.

Kinilala ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang nadakip na sina Arvie Cabayacruz, 26; Maria Ronela Evangelista, 29; Joseph Areogapita, 36, at Maureen Bermejo, 41-anyos.

Ayon kay Eleazar, dakong 5:00 am noong  Oktubre 3, 2016, nang maunang maaresto sina Evangelista, Areogapita, at Bermejo sa harap ng B7 T. Alonzo St., Brgy. West Rembo, Makati City at nakompiskahan ng dalawang medium size zip lock plastic sachets na may lamang 200 blue ecstacy tablets (cookie monster) na nagkakahalaga ng P300,000 at isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000.

Sa follow-up operation noong Oktubre 4, dakong 2:30 pm, nadakip si Cabayacruz sa isang fast food chain outlet sa Roxas Blvd., Service Road, Brgy. 76, Zone 10, Pasay City, makaraan ikanta ng tatlong unang naaresto.

Nakompiska kay Cabayacruz ang dalawang medium size zip lock plastic sachets na may lamang 200 tablets ng cookie monster ecstacy na may halagang P300,000.

Si Cabayacruz, ang live-in partner ng isang Dutch national na si Martin Frederick De Jong, naaresto ng National Bureau of Investigation dahil sa pagbebenta ng ecstasy noong Hunyo 3, 2016 sa Makati City.

( ALMAR DANGUILAN )

5 SAKO NG SHABU ‘NAIPON’ SA AGUSAN

BUTUAN CITY – Patuloy ang konsolidasyon ng pulisya at militar sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur, sa kabuuang timbang at halaga ng nakompiskang limang sako ng suspected shabu makaraan ang drug raid dakong 3:45 am kahapon.

Ayon kay Bunawan Mayor Edwin Elorde, nagtagumpay ang pinagsanib na puwersa ng pulisya, sundalo at lokal na pamahalaan sa kanilang pagpasok sa walong kabahayan sa Muslim community sa Brgy. Consuelo.

Inaalam ng mga awtoridad ang totoong pagkakilanlan ng mga suspek dahil puro alyas lang ang ginamit ng korte sa paglagay sa kanilang mga pangalan bilang subjects sa search warrants.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …

Kuwento ng pepatriated nurse mula Bahrain TAKOT SA GITNA NG GERA, PANIBAGONG HAMON SA PAG-UWI SA BANSA

Kuwento ng pepatriated nurse mula Bahrain
TAKOT SA GITNA NG GERA, PANIBAGONG HAMON SA PAG-UWI SA BANSA

MAKIKITA ang mga opisyal at staff ng Philippine Embassy – Bahrain, Department of Migrant Workers …