THE WHO ang isang staff sa Media Affairs ng Kamara na nagtayo ng business sa loob ng kanilang opisina para sa extra income?
Timbre ng Hunyango natin, mayroong kape, softdrinks, biscuit, candy, at kung ano-ano pang kutkutin ang itinitinda ni Madam sa Kamara.
Sa madali’t sabi may maliit na sari-sari store.
Subalit, datapuwa’t, ngunit… ang masakit nito, may refrigerator daw siyang sarili para malamig ang softdrinks na ibinebenta niya!
What?!
Beer mayroon ba Madam?
Wala naman tayong pakialam kung gustong rumaket ni Ate. Siyempre naman sa hirap ng buhay nating mga Filipino kailangan mong mag-isip ng dagdag kita pero ‘yong magdala ka pa ng ref sa opisina n’yo ay ibang klase ka gurl!
Hek hek hek hek hek!
Paano ‘yong bayad sa koryente na ginamit mo?!
E ‘di siyempre charge sa House of Representatives ano pa nga ba?!
Grrrrrrrrrrrrr!
Alam na this!
Meron pa raw siyang raket noong nasa 3rd floor pa ang kanilang opsina dahil nagluluto siya ng ulam at kanin tuwing weekend para ibenta sa mga kasamahan niyang nag-o-overtime.
Yizzzz nagluluto po sa loob ng opisina ha!
Ang ‘di lang malinaw, kung ang gamit niya sa pagluluto ay electic stove o gas stove.
Hindi naman kaya kalan de uling?!
Har har hat har har!
Minsan na nating pinuna si Madam sa ginawa niya noon sa mga mamamahayag na naka-beat o nakadestino sa Kongreso dahil itinago ang mga pagkain na nakalaan sa media center sabay iniuwi sa kanilang bahay.
Sa sobrang dami nga raw, umangat talaga ang harapang bahagi ng kanyang kotse dahil sa bigat ng pagkaing naharbat niya!
Wahahahahahahaha!
Hanu ba ‘yan!
Ang mabuti pa kantahan na lang kita ng paborito kong linya sa The Boxer…lie la lie lie la lie lie lie!
Hanggang sa muli!
THE WHO? SCANDAL – ni Jethro Sinocruz