PANGUNGUNAHAN ni Speaker Pantaleon Alvarez ang paghahain ng panukalang batas para maisakatuparan sa bansa ang same sex marriage.
Sinabi ni Alvarez, naninindigan siya para sa karapatan at dignidad ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) community.
Sinisimulan na niyang buuin ang draft nang ihahain niyang same sex marriage bill para maisampa ito sa Kamara sa lalong madaling panahon.
Nakapaloob sa panukala na tanging sa civil ceremony lamang dapat ikasal ang may parehong kasarian dahil hindi ito papayagan sa Simbahan.
Katuwiran ng Speaker, patuloy ang pagdami ng populasyon ng LGBT at kailangan na itong kilalanin at bigyan ng proteksiyon ng estado.
Panahon na aniya para tiyakin na napapangalagaan ang dignidad ng bawat sa sektor sa ating bansa.
(JETHRO SINOCRUZ)