Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PAGCOR Casino Filipino Got Talent may silbi ba talaga o ‘raket’ lang!?

HINDI natin alam kung ano ang silbi ng ginagawang talent search ng Pagcor Casino Filipino sa kanilang branches sa Angeles, Bacolod, Cebu, Davao, Laoag, Pavilion at Tagaytay.

Gusto nating tanungin, ang talent search ba ay kasama sa MANDATO ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)?!

Pero wala tayong naaalalang may ganyang mandato ang PAGCOR.

Sa kanilang mga press release, nanghihikayat ang Casino Filipino na lumahok (na naman?!) sa isang talent search ang mga amateur and professional performers (solo or band) na ang magiging premyo ay worth P8-million performance contract.

Ang PAGCOR ba ay nasa ilalim na ng National Commission for Culture and Arts (NCCA)?

Nasaan na ba ‘yun mga nakaraang winners nila? Nabigyan ba sila ng gig slot sa mga Pagcor branches?

Tayo naman po’y nagtatanong lang.

Hindi po kasi natin maikonek kung bakit kailangan gumastos nang ganyan kalaki ng PAGCOR gayong malaki ang pangangailangan na mapunuan ng modernong medical equipments ang mga national and general hospitals sa bansa.

090916-pagcor

Gagastos pa nang ganyan kalaki sa isang talent search na ang mas dapat gumawa at nababagay sa ganyang pa-contest ay mga pribadong television network ‘di ba?

Hindi lang ‘yan, bakit hindi unahin ng pamunuan ng PAGCOR na dagdagan ang benepisyo ng kanilang mga empleyado kaysa gumastos sa ganitong singing contest?!

Charity begins at home ‘di po ba!?

Chairwoman Andrea “Didi” Domingo, Madam, puwede bang pakibusisi ‘yang ‘talent search’ na hindi natin alam kung bakit napasok sa gastos ng PAGCOR?!

Please lang po!

13th MONTH PAY NG MGA EMPLEYADO
PAPATAWAN NG BUWIS NG BIR

010616 money tax

Hindi natin makita ang lohika o katuwiran sa gustong mangyari ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan ng buwis ang 13th month pay ng mga empleyado.

Kaya nga 13th month pay ang tawag doon ‘di ba? Ibig sabihin hindi na kasama sa 12 buwan suweldo na binabawasan ng withholding?

Nagkaroon na nga ng batas na ang lahat ng sumusuweldo nang mas mababa sa P30,000 a month ay hindi na bubuwisan, tapos ‘yung 13th month pay papatawan?!

Anong lohika mayroon ang ganoong panukala?!

Gusto ng DOF na i-repeal ang Tax Code na nagliligtas mabuwisan ang 13th-month pay, Christmas bonus, productivity incentives at iba pang benepisyo na aabot sa P82,000 kada taon.

Ang gusto ng DOF, patawan o buwisan lahat nang ‘yan.

Wattafak!?

Baka naman mas magiging masaya ang DOF kung wala nang bonus take home pay ang mga empleyado?!

Hikhikhik!

PRESIDENTIAL LEGAL ADVISER
ATTY. SAL PANELO
SA KAPIHAN SA MANILA BAY

100416-salvador-panelo

Bukas ay magiging panauhin sa Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, Malate, Maynila si Presidential Legal adviser, Atty. Salvador ‘bagets’ Panelo.

Inaanyayahan ang Malacañang reporters at iba pang media people na nakatalaga sa Maynila na makipagtalakayan kay Atty. Sal Panelo habang sumisimsim ng masarap na kape sa Café Adriatico.

Tara na!

TARA AT GOODWILL SA KTV
BAR/CLUB OWNERS SA MAYNILA

072116 manila kikil

Parang binagsakan ng atomic bomb ngayon ang mga KTV club sa Maynila dahil sa panggigipit ng isang ‘little mayor’ sa Manila city hall.

Nakasilip kasi ng butas na pagkakaperahan si ‘little mayor’ Mongoloid sa mga KTV club makaraang magpa-Oplan Sagip Anghel ang BPLO, MSWD at MPD.

Hindi bababa sa P10k kada linggo ang hirit ni alias Tongsehal sa mga club depende pa ‘yan sa laki o liit ng lugar.

Pero bago magkaroon ng regular na tara ay obligadong maghatag muna ng ‘goodwill money’ na hindi bababa sa 50k depende na naman ‘yan sa tawaran ng pitsa.

Diyan umiiyak ang club owners/managers, may bagong dagdag tara na, may goodwill money pa?!

Sonabagan!!!

Boladas pa ng mga kolektong ni Tongsehal sa mga club owner, “wala nang hulihan basta sumunod lang kayo sa usapan!”

“At kung ayaw n’yo ‘e luminya na lang kayo sa legal!”

Ang laking “change is coming” na pala ngayon diyan sa city hall?!

Si little mayor a.k.a. Tongsehal na ba ang kumukumpas diyan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *