BUNSOD nang pagkabigo ng pamahalaan na tugunan ang bantang panganib ng climate change ng mga komprehensibong pambansang polisiya, ang mga rehiyon, lalawigan at munisipalidad ay dapat kumilos para mapigilan ang mapaminsalang phenomenon, ayon kay Gonzalo Catan Jr., inventor, executive vice president ng Mapecon Charcoal Philippines.
Aniya, kailangang kumilos upang mapahupa ang climate change ng mga hakbang na nakatuon sa pagpapabawas ng carbon monoxide sa atmosphere. Ang carbon dioxide emission ang pangunahing sanhi ng polusyon sa hangin.
“We are just witnessed the massive destruction by Yolanda, the off-season typhoon, that hit the province of Leyte. Then there was the flooding in Davao and the 7.2 earthquake that destroyed the scenic tourist spots in Bohol,” aniya.
Aniya, ang tanong, “how prepared are we if occurences of this magnitude come again?” Ang problema aniyang ito ay responsibilidad ng lahat at hindi dapat hayaan na lamang sa central government.
Ang mga rehiyon at local government units (LGUs) ay dapat bumuo ng mga hakbang, pagdidiin ni Catan, na nag-uutos ng paggamit ng exhaust-clean vehicles at energy-efficient factory buildings.
Gayonman, ayon kay Catan, hindi sapat na magbuo lamang ng mga polisiya kundi nararapat itong mahigpit na maipatupad.