Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam Pinto goodbye showbiz na dahil sa papang football player

SINCE maghiwalay ng landas si Sam Pinto at ang kanyang manager na si Claire dela Fuente ay tila inalat na ang career ni Sam.

Bagama’t may movie at TV projects pero parang hindi nakatulong para umangat ang pangalan ng seksing aktres. Mabuti pa noong time na si Claire pa ang nagma-manage kay Sam, maingay ang pangalan niya, ngayon ay naungusan na siya ng noo’y poor second lang sa kanyang si Bela Padilla na

namayagpag ang karera since maging leading lady ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Dahil matumal na ang offer sa kanya ay mukhang mas feel na lang daw ni Sam na sumama na lang lagi sa boyfriend niyang Football player na sabi ay live-in na ng magandang aktres at posibleng pakasalan.

No comment na lang gyud!

JAMES GAGAWIN ANG LAHAT BALIKAN

LANG NI NADINE SA “TILL I MET YOU”

From Athens, Greece ay bumalik sa Pinas si Basti (James Reid) upang sundan ang ex na si Iris (Nadine Lustre) na mas pinili ang pamilya.

Dahil sa pagmamahal sa kanyang Nanay Cassandra (Carmina Villaroel) na pinayuhan siyang layuan ang boyfriend dahil magiging komplikado ang kanilang relasyon kaya kahit mahal ng dalaga si Basti ay sinunod niya ang payo ng ina.

Pero mukhang hindi susukuan ni Basti si Iris at lahat ay gagawin niya para ma-win back ang babaeng pinakaiibig. Pero dahil sa amang si Nestor (Zoren Legaspi) ay nawala sa kanya.

Parehong inosente sina Basti at Iris at wala silang alam sa nakaraan ni Nestor na nakarelasyon pala ni Cassandra at naging boyfriend din ni Agnes (Pokwang) bago napunta sa madrasta ni Basti na si Val (Angel Aquino). Ang hindi matanggap ni Cassandra ay ‘yung pinaglihiman siya nang matagal na panahon ng matalik pa namang kaibigang si Val.

Maayos pa kaya ang gusot at magkapatawaran ang dating magkaibigan sa tulong ng ka-friendship na Agnes? Senyales na rin ba sa ex-sweethearts na sina Basti at Iris na magiging maayos na ang lahat sa kanila ngayong magkasama na naman sila sa trabaho?

Watch ninyo ang pagpapatuloy ng romantic seryeng “Till I Met You” na mapapanood gabi-gabi sa Kapamilya Gold.

SEF CAYADONA WAGING MR. DIVA

SA CHALLENGE ACCEPTED NG EAT BULAGA

Na-witness namin last Saturday nang live ang Weekly Grand Finals ng hamon last week sa Challenge Accepted na “Mr. Diva” na ginanap sa Broadway Studio.

Naglaban ang weekly finalists na sina Wowie de Guzman, Julian Trono, Gerald Napoles at Sef Cayadona na siyang nag-stand out sa lahat at waging Mr. Diva dahil sa mala-girl na dance moves at effortless sa kanyang pagsasayaw.

Nanalo ng cash prize na P25K si Sef at masaya siya at nagpasalamat sa 37 judges na pumili sa kanya. Samantala ngayong Lunes ay para sa mga singer o aktres na marunong kumanta, sila ang hinahamon ng Eat Bulaga na sumali sa Boxing + Singing = BoxSing siyempre dito lang ‘yan sa masayang segment nila araw-araw na Challenge Accepted.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …