Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May dapat ipaliwanag si Sr/Supt. Jaime Morente

RETIRADO at wala na sa police service si S/Supt. Jaime “Bong” Morente.

Katunayan, siya na ngayon ang Commissioner ng Bureau of Immigration (BI).

Pero mukhang may pangangailangan na humarap sa Senado si Morente dahil siya ang pinakahuling tao na isinasangkot ni Edgardo Matobato, ang self-confessed na miyembro umano ng Davao Deat Squad (DDS).

Isang memorandum mula sa Davao City Human Resource Office ang ipinakita ni Matobato na pirmado ni Marcelino Escalada Jr., head of operations, na nagtatalaga sa kanya sa Heinous Crime Investigation & Detective Management Section, Davao City Police Office na pinamamahalaan ng noo’y si S/Supt. Jaime Morente.

091316-morente-immigration

Kaya sa mga susunod na linggo, bukod sa pagiging abala sa iba’t ibang masalimuot na gawain sa kanyang opisina sa BI, na masyado rin kontrobersiyal, malamang humarap sa Senado si Commissioner Morente.

Direkta nang itinuturo ni Matobato si Morente.

Ano kaya ang magiging resulta ng harapan na ‘yan sa Senado?!

Tsk tsk tsk…

Nag-aabang ang sambayanan!

DIRECTOR NG NORTHERN POLICE
DISTRICT ANTI-PRESS CORPS?

100216-npd-press-corps

Labis na ipinagdamdam ng mga mamamahayag na bumubuo ng Northern Police District Press Corps ang pagkakaalis ng kanilang opisina sa labas ng bakod ng headquarters ng NPD.

Ilang dekada na ang press corps, pero ngayon lang sa panahon ni NPD Director P/Chief Inspector Galang at NPD Deputy Director SSupt. Alberto Fajardo,  nangyaring inalis ang opisina ng mga mamamahayag na katuwang ng PNP para ipaalam sa mamamayan ang kanilang mga nagawa. Siguro nagtataka kayo kung bakit Director ang ranggo ay Major at ang Deputy ay SSupt. Kasi nga ayon sa mga pulis officer ng NPD, kung ano ang pasya ni Galang ay yon na rin di umano ang sinusunod ni Fajardo.

Ayon sa isang police major, ang original na plano ay hindi aalisin ang press office at ‘yon din ang sinabi ng District Engineer ng DPWH-NCR na si Corea at ‘yon din ang sinabi ni DPWH-NCR Director Melvin Navarro na hindi magagalaw ang press office pero hindi pumayag si Director Galang ayon sa mga pulis-NPD.

Ang press corps ay hindi tumututol sa ano mang proyekto na makabubuti sa lahat pero bakit ang pamunuan ng NPD ay tila allergic sa mga mamamahayag na nakabase sa labas ng bakuran ng NPD?  Ang Press Office inalis pero ang mga ilegal na sugalan sa buong CAMANAVA ay mapaalis kaya ng Director ng NPD? Ang mga night club na nagpapalabas ng bold show ang saklaan at mga video karera ay namamayag. Kapag tinanong, maniniwala ba kayo na walang nakikinabang sa mga ilegal?

Aba’y General Bato ‘wag kang maging bato at manhid, lansagin mo ang mga ilegal na pasugalan at mga putahan sa buong bansa lalo sa CAMANAVA. DILG Secretary Sueno, aba’y ‘wag kang pakaang-kaang! Sibakin mo ang mga opisyal ng NPD na inutil at ‘di nagawang ipatigil ang mga ilegal sa kanilang nasasakupan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *