Saturday , November 16 2024

7 patay sa ratrat sa Caloocan

PITO katao ang patay, kabilang ang live-in partner, sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Caloocan City kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Caloocan City Police deputy for administration, Supt. Ferdinand del Rosario, dakong 12:37 am kahapon, nasa loob ng bahay sa 2130 Saint Benedict St., Admin Site, Brgy. 186, Tala ang live-in partners na sina Rosario Antonell, alyas Dale at Jandale Avestro, alyas Jackie, at residente ng Block 74, Lot 9, Lagro, Novaliches, Quezon City, nang pasukin ng hindi nakilalang armadong mga suspek saka sila pinagbabaril.

Dakong 9:30 pm kamakalawa, pinagbabaril ng hindi nakilalang dalawang suspek ang biktimang si Ariel Armada, 36, construction worker, sa Phase 8A, Package 8, Blk. 91, Brgy. 176, Bagong Silang.

Dakong 11:00 pm kamakalawa, pinasok ng apat armadong lalaking lulan ng motorsiklo ang bahay ni Edmon Allovers, 38, tricycle driver, sa Phase 7B, Package 10, Block 10, Excess Lot, Brgy. 177 at siya ay pinagbabaril.

Habang natagpuan ang bangkay nina Patrick Egan, welder, at isang hindi nakilalang lalaki dakong 2:10 am kahapon Aurora St. at Sampaloc St., boundary ng Brgy. 177.

Sa Brgy. 27, dakong 9:50 pm kamakalawa, binaril ng hindi nakilalang suspek si Hector Maninang, 49, construction worker, sa Laon-Laan kanto ng Dimasalang St., Maypajo.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *