TINIYAK ni House Speaker Pantaleon Alvarez, hindi lulusot sa Kamara ang isinulong na tax reform package ng Department of Finance na tinawag niyang tamad ang mga empleyado.
Ayon kay Alvarez, hindi papasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang reporma sa buwis kahit pa malaki ngayon ang bilang ng mayorya.
Binigyan-diin ni Alvarez, paninindigan nila ang mandatong ipinagkaloob sa kanila ng publiko sa pamamagitan ng pagpapairal ng interes ng publiko.
Sinabi ni Alvarez, hindi sila basta-basta susunod lang sa gusto ng Malacañang dahil hindi sila tumatayong rubber stamp nito.
Balak sa isinusulong na reporma sa buwis na tanggalan ng exemption ang senior citizens at persons with disabilities sa value added tax (VAT), tataasan din ang excise tax sa produktong petrolyo.
Tinawag ng lider ng Kamara ang mga empleyado ng Department of Finance na tamad.
Ito ay dahil hindi man lang aniya makabuo ng isang magandang tax reform package na makatutulong talaga sa koleksiyon ng buwis.
( JETHRO SINOCRUZ )