NAGDIWANG ng kanyang kaarawan si Senator Bong Revilla, Jr noong Linggo, Setyembre 25 at open house buong araw para sa mga kaibigang gusto siyang batiin simula tanghalian hanggang hapunan.
Sitsit ng aming source na nakilala raw ng pamilya Revilla kung sino-sino ang mga taong nasa tabi nila lalo na kay Senator Bong simula noong makulong siya.
Dagdag pa, “may ilang personalidad na simula noong nakulong siya (Senator Bong), hindi siya dinalaw o kinumusta man lang samantalang nakasama niya sila sa panahong kaliwa’t kanan ang paggawa niya ng pelikula.
Anyway, may ugong na malapit na raw lumaya si Senator Bong?
FACT SHEET – Reggee Bonoan