Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pacific Cross Medicard Philippines manggagantso?!

MASAMA palang mapagbigyan itong health insurance company na Pacific Cross Philippines (dating Blue Cross Philippines).

Sa umpisa lang sila kaiga-igayang kausap, pero kapag kailangan na sila, que se joda!

Napasyalan kasi ang isang kamaganak natin ng ahente nila. Hindi tipikal na ahente, mukha ngang doktor at kagalang-galang na tipong hindi naman manloloko.

Napakagaling magpaliwanag. Parang lahat ng magagandang bagay at kapaki-pakinabang na benepisyo ng isang health card ay nasa kanilang kompanya.

Worldwide accepted raw ang kanilang health card.

At ‘yun ang dahilan kung bakit siya kumuha ng kanilang iniaalok na health insurance.

Heto ang siste…

‘Yung isang plan holder, na minsang na-emergency room (ER), P7,000 lang ang na-cover, at ‘yung confinement ire-reimburse pa raw.

‘Yung ikalawang confinement, ganoon din, reimbursement pa rin.

Nagbigay ng mga rekesitos para sa reimbursement pero inabot nang six (6) weeks ang processing bago sinagot sa sulat na may hinihingi pa silang medical abstract bago ang confinement!

Pakengs’yet!!!

‘Yung isa namang plan holder, na-confine last week sa St. Lukes Global. Ang sabi noong una sa billing, okey naman daw, magagamit daw ‘yung health card para sa confinement.

E di okey, panatag na ‘yung health card/plan holder.

Noong lalabas na sa ospital, aba, may lumapit na ahente. Akala namin para i-guaranty ‘yung health card. Pero isang maling akala, dahil nandoon ‘yung ahente para sabihin na hindi puwedeng gamitin.

I-reimburse na lang daw.

Wattafak!?

Nandoon pala sa ospital ang ahente para harangin, hindi para i-guaranty ang kanilang health card.

Kesyo hindi pa raw puwedeng i-apply ang card dahil two years pa lang.

Unlike roon sa isang suki nating insurance (kahit accident insurance), walang problema kapag may nai-ER. Sagot talaga nila ang ER.

Mukhang masama ang record ng Pacific Cross sa mga ospital kaya ganyan ang diskarte ninyo!?

Itong sa Pacific Cross, saan naman kayo nakakita ng health insurance na ang pakiramdam at karanasan ng isang pasyente ‘e parang wala siyang health card.

091116-bagman-money

Mantakin ninyo, kampante ang pasyente na magagamit niya at wala siyang aalalahanin sa kanyang paglabas sa ospital, ‘yun pala for reimbuirsement?!

E paano kung walang cash ‘yung pasyente?!

Paano kung ‘yung health card lang talaga niya ang inaasahan niya?!

Napakagulang naman talaga ng Pacific Cross!

Ito pa, kapag nag-reimburse sa kanila, ang dami-daming requirements. Pati ‘yung, diagnosis or medical   abstract kung bakit kailangan i-confine ‘e isasama sa requirements.

E ano ‘yan?!

Parang regular confinement lang?!

Ang bilis maningil ng Pacific Cross. Hindi pa nag-i-end ‘yung first contract ‘e nagpapadala na agad ng billing para sa second contract. Walang problema ‘yang ganyan kabilis maningil  kung ‘secured’ ang feeling ng health card/plan holder.

‘E kung ganyang paulit-ulit ang sakit ng ulo na ibinibigay ninyo sa inyong kliyente, tingin ba ninyo ‘e dapat pa kayong tangkilikin?!

E maliwanag na panggagantso ang ginagawa ng Pacific Cross!

Pinangakuan, nagbayad, umasa pero sa huli magagantso lang pala!

Panawagan lang po sa mga naaalok nitong Pacific Cross health card, baka mapasubo kayo, huwag na huwag kayong magkakamali at tiyak higit pa sa isang banig na biogesic ang  maiinom ninyo…

Huwag magpagoyo sa Pacific Cross!

ITLOG NA PULA LANG DAPAT
ANG MAALAT PERO ANG PHILIPPINE
AIRLINES ‘INAALAT’ TALAGANG TUNAY!

072716 Philippine Airlines PAL

Ano ba ang nangyayari sa Philippine Airlines (PAL)?

Mayroon ba silang problema sa kanilang maintenance o baka naman mayroong nakapasok na may baong ‘kamalasan’ diyan sa kanilang kompanya?!

Aba, ilang insidente na ba itong bumabalik o nag-i-emergency landing ang kanilang eroplano dahil umuusok?!

Kahapon lang, ganyan ang nangyari sa PAL flight PR422 MNL-HANEDA na may 222 pasahero at 13 crew.

Biglang may umusok doon sa cabin kaya agad bumuwelta pabalik sa Ninoy

Aquino International Airport (NAIA) ang  PAL flight na patungong Haneda, Japan.

Kung laging may insidenteng gaya niyan sa PAL, sa tingin natin ‘e panahon na para dasalan ‘este dalasan nila ang pagtse-check sa kanilang mga aircraft or airbus.

Huwag nilang tsaniin ang budget para sa maintenance. Mahiya kayo sa paying customers!

Or better yet, mag-check sila ng mga opisyal nila, baka ‘yun ang may dalang miswa ‘este’ kamalasan kaya laging naiindulto ang PAL!

Magpagpag kayo ng mga MALAS!

 

KOTONG SA OPLAN SAGIP ANGHEL
SA MGA KTV CLUBS

092715-oplan-sagip-anghel

Nag-iiyakan na naman ang KTV club owners sa Kamaynilaan dahil sa pangingikil ng dalawang ex-konsuhol sa kanila.

At may sumakay rin sa pangongotong na apat na aktibong konsuhol ‘este’ konsehal daw sa club owners.

Kamakailan, iniutos ni Yorme Erap ang MPD, MDSW at BPLO  na mag-inspection sa mga KTV club at empleyado nito para masiguro na may compliance sila sa lahat ng permit ng city hall.

Maraming clubs ang sumunod at nag-comply sa mga permit na kailangan ng club workers.

Ayos na sana…pero mukhang nakasilip ang dalawang demonyong tulisan sa city hall para gamitin ang OPLAN SAGIP ANGHEL sa pangongotong sa mga club.

Sonabagan!!!

Ilang club na na-inspection na ng city hall ay pinuntahan ulit ng mga bagman ng dalawang konsuhol at pilit silang tinatarahan kapalit ng walang abala sa kanilang negosyo?!

Anak ng tungaw talaga!!!

Wala naman problema sa ilang KTV club kaso hindi malaman kung sino sa mga tarantado ang masusunod sa tongpats dahil sa dami ng sumasawsaw  at nakikipag-usap sa ‘cashunduan!’

Mayor Erap, change is coming na ba sa mga KTV club sa Maynila!?

GODFATHER NG NINJA
COPS NASA MPD PA!?

KA JERRY, info lang sir. ‘Yun godfather ng ninja cop sa MPD ay nandto pa rin. Kaya masama ang loob ng mga JR NINJA cop dahil sila lang ang nakikita, bakit ‘yung opisyal nila at founder ay hindi nasisilip. Para malutas ang suliranin sa NINJA cop sa PNP ay bunutin ang ugat ng NINJA na nakabaon sa bakuran ng Manila Police District. ‘Wag n’yo po i-publish number ko. Tnx u.

+63906628 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *