Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P38-M idineposito sa kaanak ni Dayan (Pahaharapin sa Kamara)

UMABOT sa P38 milyong cash deposits ang napunta sa bank accounts ng dalawang kamag-anak ni Ronnie Dayan, ang sinasabing driver, lover at bagman ni Sen. Leila de Lima.

Base sa bank documents na hawak ng Department of Justice (DoJ), milyon-milyong cash ang pumasok sa account nina Hannah Mae Dayan at Marco Palisoc, ang anak at pinsan ni Dayan.

Ang impormasyon ay lumabas sa fact-finding investigation ng DoJ sa illegal drug operations sa New Bilibid Prison (NBP) noong kalihim pa ng DoJ si De Lima.

Sa mga dokumento na hawak ng DoJ, naideposito sa account ni Dayan ang P24 milyon sa pamamagitan ng apat na cash deposits, kabilang dito ang P3 milyon noong Pebrero 7, 2014; P9 milyon noong Pebrero 21, 2014; P6 milyon noong Marso 14, 2014 at P6 milyon noong Marso 28, 2014.

Habang ang account ni Palisoc ay nakatanggap ng P14,304,000 sa dalawang cash deposits, P9,600,000 ang naideposito rito noong Setyembre 16, 2014 at P4,704,000 noong Oktubre 23, 2014.

Sinabi ng isang source na ipinadala na ng DoJ ang bank records sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para sa verification.

Una nang ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nakakuha na ang mga imbestigador ng bank deposit slips ng ilang staff ni De Lima at mga taong may kaugnayan sa senadora na aabot sa P88 milyon.

Sa iba pang bank records, ang cash deposits ay napunta sa dating staff ni De Lima na sina Jonathan Caranto (P24 milyon), Bogs Obuyes (P24 milyon) at Marrel Obuyes (P2.2 milyon).

DAYAN PAHAHARAPIN SA KAMARA

PADADALHAN na ng subpoena ng House Committee on Justice ngayong linggo ang dating driver ni Senadora Leila de Lima na si Ronnie Dayan.

Ito ay para obligahin si Dayan na sumipot sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Kamara sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

 ( JETHRO SINO CRUZ )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …