Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Anak ng negosyante, pinabigyan ng endorsement ang crush na singer

 

BONGGA ang anak ng sikat na aktor at kapatid ng TV host/actress dahil type siya ng anak ng mayamang negosyante.

Ang siste, sa sobrang pagkagusto sa kanya, inihirit ng batang negosyante sa daddy nito na gawan ng sariling produkto ang type niyang magaling na singer para maging endorser.

Ora mismo, ginawan ito ng produkto na all natural, organics, pure beauty kaya shock si magaling na singer dahil may naging interesado sa kanya na maging celebrity endorser kasunod agad ang pictorial huh!

Kung tutuusin, suwerte si magaling na singer pero malas si batang negosyante dahil pag-aari na ng iba ang natitipuhan niya na ilang buwan lang ang nakararaan nang aminin mismo ng BF nito on national TV sa sikat na TV host ang kanilang relasyon.

Heto na, dumating ang anibersaryo ng produkto at ini-expect ni batang negosyante na present ang kanyang ultimate crush na singer. Aba, nang dumating, agad nitong binakuran, sinulit ang gabi na makasama si singer at panay ang kuha ng retrato at magkadikit sila sa upuan. Marami nga ang nakapansin na nagkapalagayan agad ito ng loob at mukhang nakalimutan ni singer na may BF.

Ang tanong, mahahati nga kaya ang atensiyon ni magaling na singer sa batang negosyante at sa dyowa nitong singer din lalo’t nakakontrata siya rito ng isang taon at mapadadalas ang kanilang pagkikita?

( Timmy Basil )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …